Filtered By: Topstories
News

Robredo rallies Filipinos to hope, help each other after a pandemic-marred year


Vice President Leni Robredo has called on Filipinos to stay hopeful and look out for each other after the unprecedented year of the COVID-19 pandemic.

In her New Year’s Eve message, Robredo said the upcoming 2021 is another chance to see the bright side of things even after the darkness, including deaths, of the past year.

“Marami sa atin ang unang beses na sasalubong sa bagong taon na hindi kapiling ang mga pumanaw na mahal sa buhay, naapektuhan o nawalan ng kabuhayan, at mas kaunti ang handa sa medya noche. Maraming aspeto ng buhay natin ang nagbago—sa bahay, sa paaralan, sa opisina, sa mga ugnayan sa pamilya at kaibigan—at dala nito ang halo-halong emosyon: Takot, pangamba, lungkot,” Robredo said.

“Pero paalala sa atin ng petsang ito—ang unang araw ng unang buwan ng isang bagong taon—na laging may bagong simula; laging may pagkakataong bumangon; na kaya natin itong gawing mas maginhawa, mas masagana, mas makatao kaysa sa kahapon. Hiling ko ang pag-asang ito para sa bawat pamilyang Pilipino,” Robredo added.

Robredo said hope and empathy should be extended to the most needy as the nation continues to battle the raging pandemic.

“Karugtong ng anumang pag-asa ang sikap at gawa. Hindi biglang mawawala ang virus dahil magpapalit tayo ng kalendaryo. Kaya patuloy tayong mag-ingat at sumunod sa mga health protocols. Patuloy tayong mag-ambagan upang matulungan ang mga kapwa nating mas mabigat ang dalahin. Patuloy nating buksan ang mga puso at alalahanin na sa panahong ito, bitbit natin ang isa’t isa,” she said.

“Sa darating na taon, pag-asa ang pairalin natin sa ating araw-araw na pamumuhay, at pag-asa ang ibahagi natin sa kapwa, lalo na para sa mga nasa laylayan ng lipunan. Isang Manigong Bagong Taon po mula sa aming pamilya at sa aming lahat sa Office of the Vice President,” she added.

The Philippines has registered 472,532 COVID-19 cases so far. Of this number, 439,509 recovered while 9,230 died.

The number of active COVID-19 cases is at 23,793. — Llanesca T. Panti/RSJ, GMA News