Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Sa Pusod Mo Aking Ina: Tula alay sa mga dakilang Ina


Sa Pusod Mo Aking Ina ni Francis Morilao Unang tibok Unang pintig Nagmula sa iyong Walang bahid Hindi alintana Kung gaano kasakit Mailabas lang ako Malakas man ang iyong impit Inalagaan mo Bawat saglit Hanggang sa marining Itong munting tinig Sa pagtulog ko Ikaw'y nakatitig Sa mga pisngi kong Pagkaliit-iit Gatas Na sa iyo nagmula Sa akin Ay lubusang nagpasigla Hanggang sa ako Ay magsalita Panay ang halik mo Sa pisngi kong mapula Ulo ko Ay inalagaan mo sa hilot Upang sa paglaki ko Ay tunay na mamilog Sa aking pagligo Hindi mo iniwanan Isusuot Ang baru-baruan Ibabandila Ang iyong pinagtiyagaang Binurda Ang aking pangalan Nang ako Ay unang humakbang Larawan ko Ay ipinangalandakan Binanggit Sa aking mga pinsan Kaya naman ako'y Kanilang kinagiliwan Sa tuwing ulan Ay papatak Naisip ko Nuong ako'y umiiyak Hindi ka mapakali Sa aking pag-iyak Kakargahin ako Buong magdamag Taun-taon Ginugunita Kung gaano ka Kadakila Maubos man Ang lahat ng salita Pati na Ang aking mga luha Hindi ko pa rin Maikakaila Sa pusod mo ako Unang huminga Salamat sa iyo Aking ina Sapagkat ako'y pinalaki mo Na may disiplina Kahit saang lupalop Ako magpunta Nasa puso't isip ko Ang iyong pagkalinga Ngayong malabo na Ang iyong mga mata Mga letra ng tula ko'y Hindi mo na makita Inay Huwag kang mag-alala Nandyan ang apo ninyo At siya ang babasa Inay mahal na mahal kita. – GMANews.TV Tungkol sa may-akda: Si Francis Morilao ay isang manggagawang Pinoy na nasa Doha, Qatar. Sa pamamagitan ng GMANews.TV/KwentongKapuso, nais niyang maibahagi ang kanyang mga nalikhang tula sa kanyang mga kababayan. Mababasa ang mga ito kanyang blog na mga kathang isip ni Kiko. Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!