Filtered By: Topstories
News

Sino ang guwaping na si 'Carrot Man' ng Cordillera?


Pinagkakaguluhan ngayon ng netizens ang tinaguriang si "Carrot man" ng Cordillera.

Katunayan, trending ang kanyang mga larawan habang nagbubuhat ng mga carrot, ayon sa ulat ng GMA News Balita Pilipinas nitong Martes.

 

 

Nakita raw ang tinaguriang "carrot man" ng turistang si Edwina Bandong sa Monamon Sur, Mountain Province.

In-upload ni Bandong ang kanyang mga litrato, nagulat daw siya nang maging viral ang mga ito at nai-share sa iba't ibang website.

 

 

Ang original post ni Bandong nai-share na nang mahigit 2,000 beses.

Maraming netizen din ang humanga sa hitsura ni "Carrot Man," na nakilalang si Jeyrick Sigmaton, na taga-Kadaclan, Mountain Province.

 

 

Ikinukumpara pa ng ilan si Jeyrick na hawig sa ilang artista.

Pero maliban sa kaniyang hitsura, hinangaan din ng netizens ang kanyang kasipagan sa pagtatrabaho. -- FRJ, GMA News