advertisement
Filtered By: News
News

Mahigit 500 ektaryang sibuyasan sa Pangasinan, sinira ng army worms


Napinsala ang mahigit 500 libong ektarya ng taniman ng sibuyas sa isang bayan ng Pangasinan dahil sa pag-atake ng army worms.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing apektado ang mga taniman sa bayan ng Bayambang.

Ayon sa magsasakang si Mang Ruben dela Cruz, ramdam niya ngayon ang pagkalugi dahil sa pag-atake ng peste sa kanyang sibuyasan.

Susubukan na lamang umano niyang magtanim ng mais sa pag-asang makabawi mula sa kanyang pagkalugi. — LBG, GMA News

 

LOADING CONTENT