Filtered By: Topstories
News

Choreographer na umano'y bading, inakusahang nang-rape sa 15-anyos na babae


Dinakip ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na choreographer sa Taguig City matapos siyang akusahang nanghalay sa tinuturuan niyang 15-anyos na babae. Pero giit ng suspek, hindi totoo ang paratang dahil isa siyang bading na walang interes sa mga babae.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News TV's "QRT" nitong Biyernes, sinabing dinakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Ddetection Group (CIDG) sa bisa ng "warrant of arrest" ang choreographer na si Christian Mendez.

Mismong ang ina umano ng 15-anyos na biktima ang dumulog sa CIDG para madakip si Mendez dahil sa ginawang pang-aabuso umano sa biktima na tinuturuan ng suspek sa pagsasayaw.

Pero itinanggi ni Mendez ang paratang dahil isa umano siyang bading at hindi nagkakagusto sa babae.

Giit niya, kaibigan lang niya ang dalagita at nakiusap siyang sabihin nito ang totoo.

Pero ayon sa CIDG, ginagamit daw ni Mendez ang pagkukunwaring bading para mapalapit sa mga babae gaya ng ginawa umano nito 15-anyos na biktima. -- FRJ, GMA News

Tags: rapesuspect