Filtered By: Topstories
News

EDSA 1, ‘di monopolyo ng anumang partido, sektor o grupo —Duterte

 


Hindi monopolyo ng anumang grupo sa lipunan ang diwa at tagumpay ng 1986 EDSA People Power uprising, ito ang mensahe ni Pagnulong Rodrigo Duterte nitong  Biyernes, bespiras ng apat na araw na pag-aaklas ng mga Filipino laban sa diktador na si yumaong Ferdinand Marcos.

Ang EDSA 1 ay pag-aari ng lahat ng mga Filipino, ayon sa Pangulo.

"[T]he spirit of EDSA does not belong to the one sector or one group of people, but to all Filipino who believe in freedom and a democratic way of life," ayon sa mensahe ni Duterte para sa ika-31 na anibersaryo ng makasaysayang pag-aaklas ng mga Filipino na nagpatalsik sa diktador.

Dagdag ni Duerte: "[No] single party, ideology, religion or individual could claim credit for the bloodless revolution ... in the same way that no single party, ideology, religion or individual could claim a monopoly of patriotism." 

Binasa ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mensahe ng Pangulo sa isang programa na idinaos sa loob ng Camp Aguinaldo.

Hindi nakadalo si Duterte sa EDSA rites nitong Biyernes sa Camp Aguinaldo dahil nakatakda siyang manguna sa re-launch ng "Comprehensive Agreement on the Bangsamoro Efforts" sa Davao City.

Sa kanyang mensahe, hinimok din ng Pangulo ang mga Filipino na gunitain ang EDSA People Power sa pamamagitan ng pagbalik-tanaw at pagtasa sa mga kabutihan at kabiguan na ibingunga ng tagumpay ng sambayanan, 31 taon na ang nakalilipas. 

"More than a mere celebration, now is the perfect time for all of us to reflect and objectively assess what we have lost and what we have gained as [a] nation since that historic event."

"EDSA was not just a cry against years of abuse and corruption of governmental power.... It was a demonstration of the power that a united citizenry could muster," dagdag niya.

Bilang pagtatapos ng kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na sana patuloy na pag-alabin ng diwa ng EDSA 1 ang kabayanihan ng bawat Filipino.

"True heroes, after all, are found in every one of us who do, with each passing day, our quiet work of nation-building –dutifully, joyfully, passionately –in spite of our occasional differences," dagdag niya.

Samantala, binabatikos si Duterte ng kanyang mga kritiko dahil umano sa pagiging malapit nito sa mga Marcos. 

Sa kabila ng mga pagtutol ng mga pamilya, kaibigan, at mga tagasuporta ng mga biktima ng karahasan at paglapastangan sa mga karapatang-pantao ng rehimeng Marcos, pinayagan pa rin ni Duterte na maihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ng diktador.

BASAHIN: Saguisag calls Duterte ‘new Macoy’

—LBG, GMA News