Filtered By: Topstories
News
DATING SUNDALO RAW

Lalaking papasakay ng MRT, huli matapos makitaan ng granada sa bag


Isang lalaki ang nahulihang may dalang granada papasok ng Metro Rail Transit (MRT) 3 sa QUezon City nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat ni Julee Anne Mae Cabrera sa Super Radyo dzBB, nangyari ang insidente bandang 7:10 .p.m sa Cubao station ng MRT3.

Papasok daw sana ng istasyon ang lalaking kinilalang si Christian Guzman nang makita ang granada sa loob ng bag nito habang dumadaan sa X-ray machine.

Nang sitahin ng security guard na si Anna Mae Borlaza, nagpaliwanag ang lalaki na siya raw ay dating sundalo.

Papunta sanang MRT Taft Station ang lalaki nang mangyari ang insidente.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang lalaki. — MDM, GMA News