Filtered By: Topstories
News

Bilang ng frontliners na nagka COVID-19 sa Aklan nadagdagan pa


Kalibo, Aklan - Umakyat na sa pitong frontliners na pawang mga tauhan ng Dr Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19).

Inanunsyo ito ng opisyales ng DRSTMH Miyerkules ng hapon.

Dahil dito, pansamantalang ipinagbabawal muna ng ospital ang pagbibisita sa mga pasyente.

Ayon sa kanilang advisory, posibleng nahawa ang anim na medical personnel kasama na ang apat na medical technologists sa isang babaeng laboratory encoder na nadiskubreng may COVID-19 noong Martes.

Dahil dito, tinatayang nasa 38 na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Aklan at isa ang namatay.

Dinala sa quarantine facility sa Aklan Training Center ang pitong frontliners. -- BAP, GMA News