ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga viral video sa pampublikong sasakyan, tinutukan ng 'Alisto'


 


ALISTO
DATE OF AIRING: January 24, 2017

Ngayong Martes, mga viral video sa pampublikong sasakyan at mga aksidente sa motorsiklo ang tututukan ng Alisto.
 
Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media ang post ng isang babaeng inirereklamo ang diumano’y arogante nilang taxi driver. Nakiusap daw kasi ang kanyang ama na dadaan muna sa isang botika bago ang napag-usapan nilang destinasyon. Dahil hindi maganda ang naging reaksyon ng taxi driver at nagpadagdag pa ng kuwarenta pesos na flagdown rate, nagsimula silang magtalo. Natunton ng Alisto ang mismong driver ng taxi. Ano ang panig niya sa pangyayari at ano ang regulasyong tamang sundin sa ganitong mga pagkakataon?


Noong 2016, ayon sa datos ng Metro Manila Development Authority o MMDA,  may animnapu’t tatlong aksidente ng motorsiklo kada araw. Isa pa rin ang motorsiklo sa may pinaka maraming aksidente sa kalsada. Paalala ng MMDA, magsuot ng tamang gears ang mga rider. Ibabahagi ng Kapuso stars na sina Ryan Agoncillo at Ken Chan ang naranasan nilang aksidente sakay ng  motorsiklo. Tandang-tanda ni Ryan kung paano siya tumilapon at nagpagulong-gulong sa daan habang ang kanyang motorsiklo  ay sumabit sa puno. Ano ang mga aral na natutunan nila sa aksidente? 




Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto! Mapapanood ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!