Filtered by: Newstv
NewsTV

Manong Johnny faces Mareng Winnie


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
19 September 20 12 Episode
MANONG JOHNNY FACES MARENG WINNIE
 
Limang presidente na ang kanyang pinagdaanan. Halos kalahating siglo na siya sa gobyerno, at sa laki ng papel na ginampanan niya sa politika, bahagi ng kasaysaysayan si Senate President Juan Ponce Enrile.
 
Simula nang ipanganak, batbat ng kontrobersiya ang buhay ni Sen. Enrile. Tinawag na bastardo noong kanyang kabataan, tinaguriang arkitekto ng martial law, nasa likod daw ng mga kudeta laban kay yumaong pangulong Corazon Aquino, nadawit sa dagdag-bawas sa eleksion, at ngayo’y nanganganib daw na mapatalsik bilang Senate President. Lahat ng isyu sasagutin mismo ni Senator Juan Ponce Enrile.
 
Siguradong magiging happy kayo sa episode na ito dahil pati personal na buhay ikukuwento ni Manong Johnny. Ang mga tanong sa mga manonood tulad ng kung may anak ba siya sa labas at kung bakit makapal pa rin ang kanyang buhok ay sasagutin ni Manong Johnny. Ikukuwento rin niya ang oxygen treatment na kanyang ginagawa para mabawasan ang kanyang wrinkles sa mukha.
 
Abangan iyan ngayong Miyerkules sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: pr