ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Dirty Harry vs. Asiong Salonga' sa Maynila
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE 19 November 2012 Episode
DIRTY HARRY VS ASIONG SALONGA SA MANILA
Dating magkaibigan, ngayon magkalaban sa politika. Iyan sina dating pangulong Joseph Estrada at Mayor Lim. Magtatagisan ng tatag ang dalawa sa halalan sa Mayo 2013.
Malayo pa man ang simula ng kampanya ay kabi-kabila na ang patutsada ng dalawang kampo. Hindi raw totoong taga-Maynila si Erap dahil ang totoong tahanan niya ay sa San Juan, kung saan naging alkalde siya nang matagal na panahon. Ayon naman kay Erap, may sapat na dahilan siyang tumakbo sa Maynila dahil ito ang tahanan ng kanyang ina.
Maging ang kanilang palayaw, di pinalampas ng dalawa. Si Lim ay kilala bilang Dirty Harry dahil sa mahigpit na pagpapatupad nito ng batas sa lungsod. Si Erap naman ay kilala bilang Asiong Salonga. Ayon kay Erap, hindi makakatagal sa laban si Dirty Harry dahil siya ay foreigner. Sagot naman ni Lim, ex-convict si Asiong Salonga.
Pakinggan ang dalawang tumatakbo bilang alkalde ng Maynila. Suriin ang kanilang plataporma at alok na serbisyo sa mga botante ng lungsod.
Dirty Harry versus Asiong Salonga. Sila ang unang maghaharap sa bagong time slot ng Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
====
It's a duel between a former president with a folksy charm against the incumbent, a stern, no-nonsense disciplinarian. The prize: the power to govern the country's capital, the city of Manila.
The campaign period has yet to start but already the camps of former President Joseph Estrada and Mayor Alfredo Lim have started to trade barbs.
Find out how each candidate plans to run the city as they face Prof. Winnie Monsod in this week's episode of Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie, now airing every Monday, 10 PM, GMA news TV Channel 11.
Tags: plug
More Videos
Most Popular