ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Nasaan si Jonas Burgos?
NASAAN SI JONAS BURGOS?
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: April 8, 2013
Kamakailan lang, lumabas sa balita ang umano'y litrato ng nawawalang agriculturist at aktibistang si Jonas Burgos. Ang litrato ay kinunan umano ilang araw pagkatapos siyang dukutin ng apat na armadong lalaki sa isang mall sa Quezon City noong Abril 2007.
Nitong Marso ay lumabas ang desisyon ng Court of Appeals na may pananagutan si Army Major Harry Baliaga, Jr. ang Philippine Army at maging ang Philippine National Police ukol sa pagkawala ni Burgos. Pagkatapos lumabas ang desisyon ng Court of Appeals, hiniling ng ina ni Jonas na si Edita sa Korte Suprema na litisin ang mga sangkot na opisyal ng militar. Inutos na rin ni Pangulong Noynoy Aquino ang mas malalim pang imbestigasyon sa kaso.
Ang desisyong ng korte ay ikinatuwa ng mga human rights group at maging ng Commission of Human Rights lalo na't bihirang may pinapanagot ukol sa mga "desaparecidos." Ang kaso ni Jonas Burgos ay susubok sa Republic Act 10353 o "Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012" na kauna-unahan sa Asya.
Ayon sa Families of Victims of Involuntary Disappearance o FIND, 2,211 na ang biktima ng enforced disappearance o sapilitang pagdakip ng militar o pulisya mula 1969 hanggang June 2012. Sa tala naman ng KARAPATAN, 206 na ang kaso ng enforced disappearance noong 2001 hanggang Hunyo 2010 noong administrasyong Arroyo.
Labing-apat naman mula Hulyo 2010 hanggang Disyembre 2012 sa ilalim ng administrasyong Aquino ang kaso ng enforced disappearance.
Si Edita Burgos na nakapanayam ni Mareng Winnie Monsod noong Hunyo 2011 ay magbabalik sa programa upang ilahad ang kanyang mga ginawa upang mahanap ang kanyang anak.
Iniisa-isa rin niya ang mga ebisensyang kanyang nakalap na magdidiin sa militar sa pagdukot kay Jonas, kasama rito ang pinakahuling litratong kuha raw matapos siyang dukutin. Muling humihiling si Edita ng hustisya sa nawawalang anak at nakiusap sa militar na itigil ang pagtatakip sa tunay na nangyari sa kanyang anak.
"Nasaan na si Jonas?" Ang tanong na ito ang tatalakayin sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, April 8, alas-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.

More Videos
Most Popular