ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Charice Pempengco
CHARICE PEMPENGCO
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: June 10, 2013

"Huwag maging ipokrito, maging totoo sa sarili," ang payo ni Prof. Solita Monsod bilang pagsusuma sa isyu ng pag-amin ng mang-aawit na si Charice Pempengco na isa isang lesbian.
"Maaring hindi ako role model ng lahat ng tao pero may mga kabataan na may matututunan sa pinagdadaanan ko," sabi naman ni Charice.
Sa panayam ni Prof. Monsod, sinabi ni Charice na limang taong gulang pa lang siya, alam na niyang iba siya sa karaniwang mga batang babae. May kaklase raw siyang naging malapit sa kanya na noong minsang lagnatin ay alalang-alala siya para dito.
"Inihatid ko siya sa kanila, at naligaw ako pauwi," ayon kay Charice. Parang sa telenovela raw ang kanyang nararamdaman noon dahil "gustung-gusto ko siya."
May itinutukso man daw sa kanyang mga lalaki noon, wala siyang naramdamang pagka-akit sa mga ito.
Nang tumungtong sa edad na 18, ipinaalam na raw niya sa kanyang ina ang kanyang tunay na nararamdaman. "Parang rollercoaster, kung minsan ay okay, kung minsan ay hindi" raw ang pagtingin ng kanyang ina sa isyu.
Aminado si Charice na nakatulong sa kanyang pag-amin ang katotohanang may sapat siyang kita bilang mang-aawit.
At kung mayroon man daw nagtulak sa kanyang ihayag ang tunay na sekswalidad, ito ay ang mga naghihinala at kumukutya sa kanya. Ang mga ito ay nagsimula nang magpagupit siya ng buhok.
Ipinaliwanag din ni Charice kay Prof. Monsod ang mga tattoo sa kanyang braso at dibdib.
Alamin ang iba pang detalye ng kuwento ni Charice sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular