ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Ultimate Pasaway' Imelda Marcos sa 'Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie'
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
IMELDA MARCOS
Airing date: October 7, 2013Walumpu't apat na taong gulang na si dating First Lady Imelda Marcos. Sa kabila ng kanyang edad, taglay pa rin niya ang mga katangian na dahilan kung bakit nagkaroon ng tinatawag na conjugal dictatorship sa bansa.
"You're my idol. I've been waiting for you to invite me. After all, I'm the ultimate Pasaway," sabi ni Mrs. Imelda Marcos kay Prof. Solita Monsod bago pa man magsimula ang taping.
Sa kanyang kuwento, sa unang 20 minutos na makita raw siya ni dating pangulong Ferdinand Marcos ay nag-alok na ito ng kasal. Suot din niya ang 11 carat diamond na engagement ring daw niya. Ang 11 carats ay sumisimbolo raw ng 11 araw na ligawan nila ng dating pangulo.
Ayon pa sa kanya, ang yaman ng kanyang asawa ay mula raw sa 7,000 tonelada ng ginto na inipon nito simula nang abogado pa lamang siya. Ito raw ay itinago sa basement ng kanilang unang bahay na mag-asawa sa San Juan.
Alamin ang iba pang mga kuwento ni Mrs. Marcos sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: imeldamarcos
More Videos
Most Popular