ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Honor Code ng PMA sa 'Bawal ang Pasaway'


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
17 March 2014 Episode
HONOR CODE NG PMA
Umaasa pa rin ang pamilya ni Cadet Aldrin Jeff Cudia na makapagtatapos siya sa Philippine Military Academy sa kabila ng desisyon ng kanyang mga kapwa kadete na paalisin siya mula sa institusyon. "Inosente siya. Pinalaki namin nang maayos ang anak namin," sabi ni Renato Cudia, ama ng kadete na dapat ay magtatapos na salutatorian ng PMA "Siklab Diwa" Class of 2014.
Sa kabilang dako, umaasa naman ang pamunuan ng PMA na magbitiw na lang siya. "If he resigns, it will be good for the service," ayon kay Colonel Rozzano Briguez, PMA Commandant of Cadets.
Si Cudia ay pinatalsik ng Honor Committee ng PMA dahil daw sa pagsisinungaling. Hindi raw totoo ang pahayag nitong nahuli siya ng dalawang minuto sa klase dahil hindi agad sila pinaalis ng kanilang guro sa naunang klase. Ang dapat daw nitong sinabi ay pinaghintay siya ng kanyang guro pagkatapos ng klase.
Ayon kay Anavee, nakatatandang kapatid ni Cadet Cudia, gusto nilang makita ang rekord ng pulong ng Honor Committee, maging ang audio at video ng buong proseso. Naniniwala si Anavee na pinag-initan lang ng isang tactical officer si Cudia dahil sa hilig nitong magtanong sa klase. "The Honor Code is good if everyone follows it. Ang problema ay kapag may prejudice ang mga tao sa likod nito," ayon kay Anavee.
Sino ang mali at sino ang tama? Sino ang walang paninindigan, sino ang nasa katwiran? Alamin iyan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod sa Lunes, Marso 17, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular