ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Atty. Lorna Kapunan sa hot seat ng 'Bawal ang Pasaway'




BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
12 May 2014 Episode
ATTY. LORNA KAPUNAN


Matapang at walang inuurungan. Iyan ang imahe ni Atty. Lorna Kapunan. Sa pagtupad niya ng kanyang trabaho, seryoso. Pero sa kabila ng mala-bakal niyang persona sa publiko, sa pribadong buhay ay masayahin siya. Ngayon nga ay muli siyang umiibig.
 
Hindi maiwasang makilala ng publiko si Atty. Kapunan dahil sa kanyang mga kliyente na karamihan ay mga sikat na tao. Ilan sa mga ito ay sina Fr. Fernando Suarez, James Yap at Hayden Kho, Jr.
 
Isa sa kontrobersiyal niyang naging kliyente ay si Janet Lim-Napoles. Naghiwalay sila ng landas at  hanggang ngayon ay di pa rin alam ang dahilan. Sa panayam ni Prof. Winnie Monsod sa programang Bawal ang Pasaway, ipaliliwanag niya ang desisyong ito.
 
Ipakikilala rin ni Atty. Kapunan kay Mareng Winnie ang taong nagpapangiti sa kanya araw-araw.
 
Lahat ng iyan ikukuwento mismo ni Atty. Lorna Patajo-Kapunan sa darating na Lunes, May 12, dito lamang sa Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie, 10:15PM, sa GMA News TV Channel 11.