ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

COA Commissioner Heidi Mendoza sa 'Bawal Ang Pasaway'



Dekada na ang itinagal niya sa pagbabantay sa paggastos ng salapi ng bayan. Subalit kung ikukumpara daw niya ang katiwalian sa ilang lugar, “mas garapal ang sa Makati kaysa sa ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao).
 
Ayon kay Commission on Audit Commissioner Heidi Mendoza, madalas ang nakita niya noon sa audit sa ARMM ay ang mga biyaheng kulang ng resibo. Sa Makati raw ang nadiskubre niya at ng kanyang audit team ay mga gamit na lubhang tinaasan ang presyo, mga palsipikadong mga dokumento, o kaya ay pinalitan na tatak ng gamit.
 
Sa kabila ng negatibong ulat na kanyang ipinapasa matapos ang audit, isa lamang daw ang nagalit sa kanya at ito ang dahilan kung bakit tumagal ng tatlong taon ang pagkumpirma sa kanya sa Commission on Appointments. 
 
Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, sinabi ni Mendoza na ang ibang opisyal na kanyang na-audit ay naunawaan na ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin. “Wala akong karapatang mamili ng assignment,” sabi ni Mendoza.   
 
Ipinagmamalaki ni Mendoza na ang hanay ng COA auditors ay tapat sa tungkulin sa kabila ng hirap ng trabahong ito. Magiging mas madali raw sana ang kanilang gawain kung may sariling opisina ang mga auditor at hindi nakikiopisina sa kanilang ina-audit na tanggapan. Makatutulong din daw kung may sarili silang abogado kapag kailangang tumestigo sa korte, at kung hindi na nila kailangang makiusap taun-taon para maaprubahan ang kanilang budget. Ang COA ay isang opisinang ipinag-uutos ng Saligang Batas.
 
Sa kabila ng kanyang kumpirmasyon at pagiging popular ng COA ngayon, sa tantiya ni Mendoza ay hindi niya matatapos ang kanyang termino. Alamin kung bakit sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.