ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Alamin ang political plans ni Camarines Sur Representative Leni Robredo sa 2016, dito lang sa 'Bawal ang Pasaway!'
Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie
9 March 2015 Episode
Bukas daw ang isip niya sa pagtakbo sa Senado sa 2016, pero mas matimbang sa kanya ang manatili bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.
Bukas daw ang isip niya sa pagtakbo sa Senado sa 2016, pero mas matimbang sa kanya ang manatili bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Camarines Sur.
Ayon kay Rep. Leni Robredo, nangangamba siyang ang lahat ng ginawa ng kanyang yumaong mister na si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ay mababalewala kung hindi nagnanais ng reporma ang hahawak ng mga importanteng poder sa probinsiya.

Sa ngayon ay abala si Rep. Robredo sa pagpapakalat ng polisiya na naglalapit sa mga mamamayan at lokal na pamahalaan. Noong panahon na alkalde ng Naga City ang yumaong si Robredo, pinangunahan niya ang pag-imprenta ng babasahin na nagtuturo sa mga tao kung paano makakakuha ng serbisyo ng munisipyo. Nakalista rito kung ano ang mga kailangang isumite para gumana ang mga papeles ng isang tao. Marami ang naengganyong humingi ng tulong sa munisipyo dahil sa mas maayos na sistemang ito.
Napalitan na raw ng saya ang dati ay takot niya na maging politiko. Ikinasasaya raw niya ang pagtungo sa mga liblib na lugar ng Camarines Sur at malaman kung paano siya makapagdadala ng tulong sa mga hindi naabot ng gobyerno.
Hindi raw siya nahihikayat ng mga gustong tumakbo siya bilang pangulo o pangalawang pangulo sa 2016 dahil nag-aaral pa lang siya sa politika at hindi pa sapat ang kanyang natutunan sa nakalipas na dalawang taon.
Sa ngayon, may mga pagkakataon pa rin daw na nalulungkot siya dahil sa pagkawala ng asawa. Sa kanyang pakikisalamuha raw sa mga tao sa iba’t ibang probinsiya, ngayon niya nalaman na kakaiba pala talaga ang kanyang mister pagdating sa nagawa niya bilang kawani ng pamahalaan.
Hindi pa rin daw niya naaayos ang mga gamit ng mister sa loob ng kuwarto, lalo na ang isang pantalon at isang shorts na huling isinuot ng kanyang mister. Hindi pa raw niya kakayaning alisin ang mga ito sa ngayon.
Alamin ang iba pang kuwento ni Rep. Leni Robredo sa panayam ni Prof. Solita Monsod sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: prstory, bawalangpasaway
More Videos
Most Popular