ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Balikan ang panayam ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa 'Bawal ang Pasaway'

Ano ang mangyayari kapag nagkaharap ang Bise Alkalde ng Maynila na si Isko Moreno at ang ekonomista at propesor na si Mareng Winnie?
Sa episode na ito, idedepensa ng bise alkalde ang programa ng lungsod na truck ban na tinutuligsa ng iba’t ibang sektor. Nakaluwag nga ba ito sa trapiko sa lungsod?
Ikukuwento rin ni Moreno ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang magulang at kung paano siya pinalaki ng mga ito. Idedetalye rin niya kung paano siya nasabak at nagtagal sa politika gayong nakilala natin siya bilang isang aktor.
Haharapin din ni Moreno ang balitang nagkaroon siya ng relasyon sa isang anak ni Manila Mayor Joseph Estrada, na siyang dahilan ng paghiwalay nito sa asawa.
Abangan ang panayam ni Prof. Monsod sa Lunes, 10:15 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV Channel 11.
Tags: prstory
More Videos
Most Popular