ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, makapasa kaya sa maiinit na tanong ng 'Bawal ang Pasaway?'




Muli na namang magsisimula ang klase ngayong Hunyo, ngunit hindi pa  tapos ang batikos na natatanggap ng Department of Education kaugnay ng K to 12 program. Kabi-kabilang mga grupo ang nananawagan para ipatigil ang pagpapatupad nito. Anila, hindi pa handa ang departamento upang ipatupad ang K to 12.
 
Kaya para sagutin ang mga katanungan at malinawan sa isyu, ang DepEd Secretary na si Bro. Armin Luistro ang isasalang sa panayam kay Mareng Winnie.



Isa sa mga masugid na bumabatikos sa K to 12 Program ay si Sen. Antonio Trillanes. Para sa senador, marami pang mga bagay ang hindi natutugunan ng DepEd, tulad ng mga silid-aralan. Ngunit tugon ni Luistro, nagpapatayo sila ng mga silid-aralan para tugunan ang mga kakulangan na ito. Binanggit din ng kalihim na malaking budget ang ipinagkaloob sa kanilang departamento para sa taong 2015 kaya't masisiguro na maipatutupad nila ang kanilang mga programa.
 
Ayon kay Luistro, kung hahayaan lang na maipatupad ang programa at pag-aaralang mabuti ang K to 12, maaaring mas makatipid pa nga raw ang mga magulang sa pag-papaaral sa kanilang mga anak.
 
Isa-isang sinagot ni Luistro ang iba pang mga tanong ng mga bumabatikos sa kanila. Isa na rito ang sinasabing maraming mawawalan ng trabaho dahil sa K to 12. Aniya, mas marami pa nga daw ang magkakaroon ng trabaho dahil mangangailangan sila ng mga guro para sa senior high school.


 
"Dapat walang Pilipino na hindi nakatapos ng high school", ito ang pahayag ni Sec. Luistro. Dagdag pa niya, hindi naman daw kasi lahat ng estudyante ay nangangarap na makapagkolehiyo pa. May ilan daw kasi na nais nang makapagtrabaho kaagad pagkatapos pa lang ng high school.
 
Abangan ang kabuuan ng panayam ni Mareng Winnie kay Department of Education Secretary Bro. Armin Luistro sa Lunes, alas-10:15 ng gabi sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie!