Mga paghahanda ng pamahalaan sa lindol, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'
Bawal ang Pasaway with Mareng Winnie
Airing Date: June 15, 2015
Handa na nga ba ang Pilipinas sa 7.2 earthquake? Saang bansa kaya tayo maihahalintulad kapag tumama ito? Sa Nepal o sa Japan?
Mayo nang sinabi ni Metro Manila Development Authority Chair Francis Tolentino na nasa below 5 out of 10 pa ang grado ng Pilipinas pagdating sa kahandaan sa lindol. Umusad na kaya ang paghahanda ng pamahalaan?
Ngayong Lunes, makakapanayam ni Mareng Winnie si MMDA General Manager Cora Jimenez at si National Disaster Risk Reduction Management Center Executive Director Alexander Pama tungkol sa mga ginagawa ng pamahalaan para sa lindol. Inamin ng NDRRMC na hindi tumaas ang kanilang budget at hindi rin nakatanggap ng karagdagang budget ang MMDA para rito. Ganunpaman, ayon sa kanila, nakikipag-usap sila sa mga local government units at nagsasagawa ng mga trainings para sa mga volunteers. Ang tanong, sapat na kaya ang budget at training na iyon?
Para magka-alaman, masusubukan natin ang bagsik ng magnitude 8 na lindol sa loob ng isang earthquake simulator. Uusisain ni Mareng Winnie ang kakayahan ng mga barangay, at kung tayo ba'y nangungulelat sa paghahanda. Pag-uusapan din ang rehabilitasyon at ang kapasidad ng Metro Manila na maka-recover sakaling tumama ang "The Big One".
Lahat ng ito 10:30 PM sa Bawal ang Pasaway with Mareng Winnie, Lunes sa GMA News TV.