ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga babala at payo nina lolo at lola, tatalakayain sa 'Bawal Ang Pasaway'


Grandparents' Day Special: Bawal ang Pasaway
GMA News TV
September 14, 2015
Monday 10:15 PM


Mas mapusok na raw ang kabataan ngayon. Kaunting text-text lang, mag-on na. Imbis na anniversary, weeksary pa lang ipinagdiriwang na. Imbis na kasalan, uso na ang live-in. Payo ni Lola Nidora, may tamang panahon para sa relasyon. Hindi raw ito dapat minamadali. Ano kaya ang istilo noon ng ating mga lolo at lola pagdating sa pag-ibig?

Pero hindi naman daw perpekto ang kanilang mga buhay pag-ibig, marami silang natutunan sa kanilang kapusukan noon na pwedeng kapulutan ng aral ng kabataan ngayon. Dalawang beses ikinasal si Boots, may apat siyang anak at siyam na apo. Si Freddie Webb may anim na anak at labing-isang apo. Habang si Leo Martinez, may tatlong asawa, anim na anak at limang apo. Silang tatlo, maagang nag-asawa.
 

Ano ang mga "the moves" noong panahon nila? Sa kanilang tatlo, sino kaya ang habulin? Paano kaya nila napasagot ang kanilang mga "the one?" Sino ang nagkaroon ng “more than one?”

No holds barred na usapang pag-ibig, lolo at lola version ngayong Lunes sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 10:15 PM sa GMA News TV.
Tags: plug