ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pinoy millionaires, ibabahagi ang kanilang kuwento ng tagumpay sa 'Bawal ang Pasaway'


September 28, 2015
Lunes, 10:15 PM
GMA News TV
 
Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie:
Paano ba maging milyonaryo?
 
Paano nga bang maging milyonaryo? Posible bang maging bilyonaryo? Hindi pinanganak na mayaman pero limpak-limpak na salapi ang katumbas ng kanilang pangalan! Tinipon namin muli ang mga kwento ng ilan sa pinakamayaman sa bansa: sina Enrique Razon, David Consunji at si Atty. Arthur Tugade.


Dating rebelde at hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang ikatlong pinakamayamang Pilipino na si Enrique Razon. Ngayon, pumapalo na ng 5.2billion dollars ang kanyang net worth. Ang kanyang tip sa mga negosyante, "Everything involves a risk. Hindi ka puwedeng sigurista."


Mula naman sa isang middle class na pamilya ang may ari ng DMCI na si David Consunji. Gayunpaman, nagkayod-marino rin siya. Nasubukan pa nga raw niyang maging driver. Ngayon, siya na ang ikapitong pinakamayaman sa bansa na may networth na 4.1billion dollars ngayong 2015. Kung may isang panuntunan daw siya sa buhay, ito raw ang itinuro sa kanya ng kanyang tiyuhin noon, "Ubus-ubos biyaya, bukas nakatunganga."



Dati namang informal settler si Atty. Arhur Tugade. Dugo at pawis ang puhunan ni Atty. Tugade. Dating iskolar at ngayon milyonaryo at may ari na ng pitong kumpanya sa ilalim ng Perry's group of companies. Ang aral naman niya sa buhay, "Huwag maging pasaway."

Marami pa kayong tips na mapupulot mula sa buhay nina Enrique Razon, David Consunji at Atty. Arthur Tugade. Mapapanood yan ngayong Lunes sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie 10:15 ng gabi sa GMA News TV.
Tags: plug