ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga anak ni CamSur Rep. Leni Robredo, sasalang sa 'Bawal ang Pasaway'


GMA News TV
October 28, 2015
Monday, 10:15 PM
 
Bawal Ang Pasaway: Sino si Leni Robredo?



Napasabak na nga sa unang pagkakataon si Congresswoman Leni Robredo sa national elections, pero sino ba ang tunay na nakakakilala sa kanya? Handa ba siya sa hamon ng pagiging bise presidente? Balidosa ba siya? Mahilig kaya siya sa sapatos? May balak ba siyang mag-asawa ulit? Sa labas ng kongreso, sino si Leni Robredo? 'Yan ang ikukwento ng kanyang mga anak na sina Aika at Tricia kay Mareng Winnie ngayong Lunes.

Ibinahagi rin nila kay Mareng Winnie na simula’t sapul, matindi ang kanilang pagtutol nang pormal na ialok ni Sec. Mar Roxas tumakbo bilang bise presidente si Leni sa Liberal Party. Anila, hangga’t may isang hindi sumasang-ayon, hindi raw tutuloy sa pagkandidato ang kanilang ina. Sino kaya ang pinakamatagal na tumutol sa magkakapatid at ano ang dahilan nila para humindi nang pagkatagal-tagal? May mga nakiusap ba sa magkakapatid na payagan na ang kanilang ina na tumakbo sa darating na eleksyon?



Kalaunan, napalambot ang puso ng mga bata nang sabihin daw ni Leni sa kanila, “I feel I am being called to do this. Pero hindi ko ito gagawin kung hindi nyo ako bibigyan ng blessing ninyo. Hindi ko siya gagawin nang hindi kayo pumapayag.”

 

Sa ngayon ay buong-buo ang suportang ibibigay nila sa kanilang ina. Sa katunayan ay magre-resign si Aika sa kanyang trabaho sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Si Tricia naman ay pinag-iisipan ang pagkuha ng leave of absence sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Samantalang ang bunsong kapatid nila na si Jillian ay ipagpapatuloy pa rin ang kanyang pag-aaral.



 

Para kay Aika, may pangamba kaya na magbago ang kanyang ina sakaling malagay sa puwesto? Ano kaya ang gagawin nila sakaling mapansin nilang mag-iba ang pag-uugali ng kanilang ina?
 

Sa panayam na ito, makikilala rin natin nang lubusan ang magkapatid. Sakaling palarin si Leni, malalaman natin kung ano ang pag-uugali ng matuturing na ikalawang pamilya ng Pilipinas. Sila ba’y magiging ehemplo o pawang mga Pasaway?

 

Tunghayan ang kabuuan ng panayam ni Mareng Winnie sa magkapatid na Robredo sa Lunes, October 26, pagkatapos ng State of the Nation Address with Jessica Soho sa GMA News TV.

Tags: plug