Success stories ng mga Kapuso nating PWD, tuklasin sa 'Bawal ang Pasaway'
GMA News TV
January 19, 2016
Monday 10:15pm
Bawal ang Pasaway: Able Disabled

May kilala ka bang kung ano-ano ang dahilan at kung sino-sino ang sinisisi kung bakit wala siyang trabaho? Kailangan mong ipapanood sa kanila ang Bawal ang Pasaway ngayong Lunes.
Hindi hadlang ang kapansanan para maabot ang inaasam na pangarap gaya ng napatunayan nina Atty. Jessica Siquijor-Magbanua at Chef Maricel Apatan.
Ipinanganak na may club feet at spina bifida o isang sakit sa spinal column si Atty. Jessica. Dahil dito, halos hindi siya makalakad at nakapako sa kanyang wheelchair. Pero hindi siya nagpadaig sa sakit, bagkus ay nakapagtapos siya sa pag-aaral, nagpakasal sa kanyang True Love, at ngayo’y labintatlong taon nang State Solicitor sa Office of the Solicitor General. Sa kanyang down-time, nagte-table tennis rin si Atty. Jessica na bahagi ng pambansang koponan sa ASEAN Paragames.
_2016_01_17_18_16_58.jpg)
Si Chef Maricel naman, maraming beses na tinaga ng mga masasamang loob sa Zamboanga Sibugay noong bata pa siya, dahilan para maputol ang kanyang mga kamay. Mapait man ang nakaraan, nagpursigi siya para makamit ang bulong ng kanyang puso. Wala mang mga kamay, naging pastry chef at culinary instructor si Chef Maricel sa Chef's Den Culinary Institute sa Cavite.
_2016_01_17_18_20_31.jpg)
Paano nga ba malalampasan ang mga pagsubok na ganito kabigat? Paano kaya ang buhay may-kapansanan sa Maynila? At aling lugar ang pinaka disabled-friendly sa bansa?
Panoorin ang kabuuan ng kwentong ito sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, ngayong Lunes 10:15 PM sa GMA News TV.