ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Social entrepreneur Illac Diaz, sasalang sa 'Bawal ang Pasaway' hot seat


GMA News TV

Monday, 10:15 PM

Bawal ang Pasaway: Illac Diaz

Isa sa mga kilalang social entrepreneur ngayon ang dating modelo at actor na si Illac Diaz. Noong 2006 sumabak si Illac sa pagiging social entreprenuer. Nakuha niya ang ideya nang may malakas na bagyong tumama sa Pilipinas noong taon na iyon. Nakita raw niya ang mga tao na nagpupunta sa evacuation centers. Dito niya naisipan na magpagawa ng mga eskwelahan na yari sa mga bote na nilagyan ng putik sa loob para tumibay.

Isa rin ang Liter of Light sa mga proyekto ni Illac sa ilalim ng kanyang MyShelter Foundation. Sa ilalim ng proyektong ito, gumagawa sila ng sustainable lights para magamit lalo na ng mga taong mahihirap. Layon ng proyektong ito na turuan ang mga tao na gumawa ng sustainable lights para kung sakaling masira man ito ay kaya nila itong kumpunihin.

Ang proyektong ito ni Diaz makikita na raw sa 20 bansa sa buong mundo. Kabi-kabilang international awards na ang natanggap ni Illac para sa kanyang mga proyekto kasama na rito ang pagkilala sa Liter of Light ng United Nations World Habitat Awards. Ang ikinasasama ng loob ni Illac, mismo sa sarili niyang bansa tila hindi pa gaano tanggap ang kanyang mga konsepto. Sa katunayan, may kaso laban kay Illac ukol sa di umano'y kwestiyonable nitong proyekto. Ang nagsampa ng kaso, ang dating artista at opisyal sa Laguna na si Angelica Jones. Napabalita rin noon na dating kasintahan ni Illac si Angelica.

Balikan natin ang kabuuan ng panayam ni Mareng Winnie kay Illac Diaz sa unang Lunes ng 2017, pagkatapos ng State of the Nation Address with Jessica Soho.

 

Tags: plug