ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway

Part 2 ng exclusive interview ni VP Leni Robredo, panoorin ngayong Lunes


GMA News TV
July 25, 2016
Monday 10:15pm

Bawal ang Pasaway: VP Leni, handa ba kay Bongbong?

Sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, itutuloy naman ni Mareng Winnie ang nabitin niyang panayam sa bagong bise presidente ng Pilipinas na si Leni Robredo. Sasagutin ni Robredo ang posibilidad ng “Dubredo” o yung pambansang love team umano nila ni Duterte. Haharapin din ni Robredo ang isyu ng ‘di umano'y pandaraya niya at ng Partido Liberal sa kanyang katunggali na si Bongbong Marcos noong eleksyon.

Matatandaan na naghain ng election protest sa Korte Suprema si Bongbong Marcos sa bisperas ng panunumpa ni Leni Robredo bilang pangalawang pangulo noong June 29, 2016. Ayon sa kampo ni Marcos, ang mga botong nakuha ni Robredo ay bunga umano ng iregularidad at dayaan noong Eleksyon 2016. Ano ang gagawin ni Robredo sakaling siya ang sampahan ng kaso?

Ngayong nakaupo na si Robredo, susundan natin siya sa isang tipikal na araw para alamin kung paano niya pagsisilbihan ang mga nasa laylayan ng lipunan. Iisa-isahin ni Mareng Winnie ang kaniyang mga programa para sa mahihirap at ang kaniyang mga binitiwang pangako noong siya ay nangangampanya. Kikilatisin din ni Mareng Winnie kung ano ang magiging papel niya sa Administrasyong Duterte lalo na't nagkaroon sila ng masalimuot na simula.

Ang pangalawang bahagi ng panayam kay Bise Presidente Leni Robredo ngayong Lunes sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 10:15 ng gabi sa GMA News TV.

Tags: plug