ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pagbabalik ng death penalty, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'


Ibalik ang Bitay?
Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie
Lunes, 10:15 PM sa GMA News TV
 
Chinapchop ang katawan ng isang dalaga. Siyam na taong gulang na bata, sinakal ng alambre at isinilid sa sako. Babae, labing apat na beses pinagsasasaksak. Kabi kabila ang mga balita ng mga karumal dumal na krimen kamakailan. Ito raw ang dahilan sa pagsulong ni Capiz representative Frednil Castro at ilan pang kongresista ng Housebill 01 o ang pagbabalik ng death penalty sa bansa. Sa panukala, nadagdagan ang sakop na "heinous crimes," kasama na riyan ang mga krimeng may kinalaman sa droga, piracy at carnapping. Disyembre ng nakaraang taon, naaprubahan ang nasabing panukala.
 
Mariing pinabulaanan ni Rep. Castro na lumalabag sa karapatang pantao ang nasabing batas. Bagkus, pinoprotektahan daw nito ang karapatang pantao ng mga mahihirap lalo't mayroong sistema ang batas. Hindi rin daw ito pagpatay dahil idadaan naman ang paghusga sa judicial process.
 
Tutol dito ang grupong Amnesty International. Ayon sa kanilang kinatawan na si Atty. Romeo Cabarde, sa kanilang pag-aaral, hindi nakapaigil ang parusang kamatayan sa pagtaas ng kriminalidad. Noong 1999, sa panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada, anim na presong nasa "death row" ang pinatay bilang pagsunod sa naunang batas. Pero kung titingnan daw ang datos, pataas ang crime index ng Pilipinas mula 1999 hanggang 2002 sa pag-upo ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
 
Buwelta ni Castro, hindi siya naniniwala sa mga datos. Sapat na raw na basehan ang mga krimeng nababalita. Ang pagbabalik daw ng death penalty ay para sa pamilya ng mga naging biktima ng mga krimen.
 
Sa pagtutol ni Atty. Cabarde, sinabi niya na mayroong "flaw" ang ating judicial system na maaaring maging biktima ay ang mga mahihirap. Halos 73% ng nasa mahigit isang libo na nasa deathrow ay galing sa mahihirap na pamilya.
 
Marami pang maaanghang na palitan ng kuro-kuro sa usapin ng death penalty ang matutunghayan sa Lunes, 10:15 pm sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV.
Tags: plug