ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

DDB Chair Dionisio Santiago, makakapanayam sa 'Bawal Ang Pasaway'


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
GENERAL DIONISIO SANTIAGO, CHAIRMAN, DANGEROUS DRUGS BOARD
LUNES, JULY 17, 2017, 10:15 PM SA GMA NEWS TV

 


Nitong July 10, opisyal nang naupo si Retired General Dionisio Santiago bilang Chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB) matapos sibakin sa puwesto ni Pangulong Duterte si Benjamin Reyes. Inalis sa pwesto si Reyes dahil sa pagkontra nito sa Pangulo hinggil sa totoong bilang ng drug addicts sa bansa. Sa 2015 survey kasi na isinagawa ng DDB, lumabas na mayroon lang 1.8 million drug addicts sa bansa, taliwas sa madalas na binabanggit ni Pangulong Duterte na apat na milyon. Ang basehan ng pangulo ay ang tatlong milyong numero na ibinigay ni Santiago noong siya pa ang namumuno sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nang tanungin ni Mareng Winnie si Santiago kung saan nanggaling ang tatlong milyon, sagot ni Santiago, isa raw itong "guesstimate."

Isa si Santiago sa sinuportahan ni Duterte nang siya ay tumakbo bilang senador noong nakaraang eleksyon. Sa isang kampanya, sinabi rin ni Duterte na sakaling hindi mananalo si Santiago ay bibigyan niya ito ng posisyon sa gobyerno. Ngunit bago pa man ang eleksyon, nagkakilala na umano si Santiago at ang pangulo nang madestino ang heneral sa Davao noong '70s.

Ayon pa kay Santiago, ibang-iba ang magiging trabaho niya bilang chairman ng DDB kaysa sa trabaho niya sa PDEA. Policy-making ang magiging prayoridad niya rito kumpara sa PDEA na nanghuhuli sila ng mga gumagamit ng iligal na droga. Bago pa man italaga bilang chairman ng DDB, naging Executive Director na ng ahensya si Santiago.

Itinanggi rin ni Santiago ang posibilidad na inirekomenda siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa posisyon. Naging Armed Forces of the Philippines chief of staff si Santiago noong administrasyong Arroyo. Matapos magretiro, itinalaga siya ni Arroyo sa Bureau of Corrections, at kalaunan sa PDEA. Subalit sa bawat posisyong kanyang hinawakan, may kontrobersiyang ikinakabit kay Santiago.

 


Ano-ano pa ang mga isyu na kinasangkutan ni Santiago? Sino nga ba si General Dionisio Santiago at ano ang plano niya para tuluyan nang masawata ang problema ng bansa sa droga? Alamin natin iyan sa panayam sa kanya ni Mareng Winnie sa Lunes, July 17, pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho.

ENGLISH PR

Retired General Dionisio Santiago is the newly appointed chairman of the Dangerous Drugs Board or DDB after President Duterte fired Benjamin Reyes for contradicting his statements regarding the number of drug addicts in the country. Santiago has held various positions in government in the past but with each new appointment came a string of controversies which begs the question: is Santiago really fit to head the Dangerous Drugs Board?   - KVD