ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Plano ni Isko Moreno sa North Rail, tatalakayin sa ‘Bawal ang Pasaway


SI ISKO AT ANG NORTH RAIL
LUNES, SEPTEMBER 25, 2017
10:15 PM, GMA NEWS TV

Matapos mabigo sa senado, nawala sa mata ng publiko si Francisco "Isko" Moreno. Noong Hulyo, naging matunog muli ang kanyang pangalan nang italaga siya bilang Chairman ng North Luzon Railways Corporation.

Ayon kay Isko, desidido siyang ayusin ang mga problema ng NLRC na nag-ugat pa sa panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. "The best way to solve the problem is not to do the same thing they did." Ito ang positibong pananaw ni Isko sa isyung ibinabato sa napakatagal nang nakatenggang proyekto ng North Rail.

Dalawang taon ang target ni Isko sa pagsaayos ng North Rail. "Nasa amin ang magagaling na engineers," ani Isko. Sa Disyembre 2020, positibong makakakita raw ang publiko ng 20-kilometer tram sa Pilipinas basta’t maaprubahan ang kanilang panukala. Mas convenient umano ito dahil magiging alternative mode of transport ito na maaaring itapat sa jeepneys.

Too good to be true? Iyan ang nais patunayan ni Isko. "I will move heaven and earth to achieve the timeline." Ang pagbabalik ni Isko Moreno, huwag palalampasin sa Lunes, 10:15PM sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie pagkatapos ng State of the Nation Address with Jessica Soho sa GMA News TV.