ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga aksidenteng sangkot ang mga motorsiklo, susuriin sa 'Bawal ang Pasaway'


LUNES, OCTOBER 9, 2017
10:15 PM SA GMA NEWS TV

Swerve dito, swerve doon. Tilapon dito, semplang doon. Karaniwan nang makakita ng aksidente sa kalsada lalo na sa mga motor. Ayon sa World Health Organization, 53% sa mga naaaksidente sa Pilipinas ay binubuo ng mga motorcycle drivers.

Nakapanayam ni Mareng Winnie si PC/Supt. Arnel Escobal, Highway Patrol Group Director at si Rod Cruz, National Chairman of Arangkada Alliance, isang grupo ng motorcycle riders sa bansa. Naniniwala ang dalawa na proper training ang kailangan para maiwasan ang mga aksidente sa kalsada. Ayon sa kanila, matutukoy na ang kakayanan ng isang rider sa pagkuha pa lamang ng driver's license. Para raw kasi makakuha ng lisensya, may physical and driving examinations pa.

Ani Dir. Escobal, kailangan daw umano magkaroon ng singular agency para sa motorcycle accidents. Hindi raw kasi nagkakatugma tugma ang datos sa pamamaraan ng pagkuha ng mga kasong ukol sa motorsiklo. Sinigurado ni Escobal na pagtutuuan ng HPG ang sitwasyong ito.

Sa usaping kaligtasan sa kalsada, isa raw sa dahilan ng aksidente ay ang pag gamit ng di angkop na helmet. Ayon kay Dir. Escobal dapat half helmet lamang gamitin sa Pilipinas para maiwasan ang distraction sa peripheral vision. Ani naman ni Cruz, hindi ito ligtas ito dahil malakas ang impact o tama sa driver sa isang aksident na sanhi ng matitinding disgrasya sa ulo

Pasaway at takaw disgrasya nga ba umano ang mga nagmomotor o sadyang kulang lamang sa kaalaman? Iyan ang tututukan ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, 10:15pm pagkatapos ng State of the Nation Address with Jessica Soho.