ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

PDEA Chief Aaron Aquino, sasalang sa hot seat ng ‘Bawal ang Pasaway’


PDEA DIRECTOR GENERAL AARON AQUINO, SASALANG SA HOT SEAT SA BAWAL ANG PASAWAY

LUNES, JANUARY 8, 2018, 10:15 PM SA GMA NEWS TV

Tatlo lang ang naitalang patay sa mahigit 3,000 Anti-Drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa first 100 days ng pamumuno ni Director General Aaron Aquino. Pero sa kabila ng mga kontroberisya ng PNP, balik eksena ang mga pulis sa kampanya kontra-droga sa pamumuno ng PDEA.

Ayon kay Aquino, naging malaking hamon sa kanilang ahensya ang pagkakaalis ng mga pulis sa kanilang mga operasyon dahil kumpara sa PNP, kulang na kulang daw talaga ang tauhan ng PDEA. Naninindigan siya na susunod sila sa batas at iiwasan nila na may mamamatay sa kanilang mga operasyon. Matatandaan na ilan sa mga isyu na ipinupukol sa PNP ay ang marahas umano nilang mga operasyon kung saan 3,967 ang namatay sa loob ng Hulyo 2016 hanggang sa Nobyembre 2017.

Sa panayam ni Mareng Winnie kay Aquino, sinabi nito na susubukan niyang maging drug-free ang Pilipinas sa taong 2022. Para maisagawa ito, nagbigay ng quota si Aquino sa kanyang mga Regional Directors sa PDEA na kailangan nilang magsagawa ng 30 hanggang 40 drug operations sa isang buwan. Nangako naman ang pinuno ng PDEA na hindi ito maabuso dahil nagkakaroon sila ng imbestigasyon sa lahat ng isinagawang operasyon upang masiguro na tama ang ulat ng mga ito at walang nilabag na batas.

Nais din ni Aquino na palawigin pa ang mga barangay reformation centers para sa mga gumagamit at nagtutulak ng droga. Sasalilaim din umano ang surrenderees sa mga livelihood training upang makatulong sa pagbabagong-buhay at hindi na bumalik pa sa pagtutulak ng droga.

Ano pa kaya ang mga programa ni PDEA Director General upang tuluyang masugpo ang problema ng droga sa bansa? Alamin yan sa "Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie" pagkatapos ng "State of the Nation Address with Jessica Soho."

Tags: plug