ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal Ang Pasaway

Former Chief Justice Davide, Jr., magsasalita tungkol sa pederalismo at impeachment ni Sereno


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
MONDAY, MARCH 19, 2018
RETIRED CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE, JR.

Isang Chief Justice na naman ang nahaharap sa isang impeachment case. Ang administrasyong Duterte, isinusulong ang Pederalismo. Sa pananaw ng isang dating punong mahistrado na kabisado ang pasikot sikot ng batas at ng gobyerno, ano kaya epekto nito sa ating bansa?

Nakapanayam ni Mareng Winnie si retired Chief Justice Hilario Davide, Jr. Ani Davide, nakalulungkot ang mga pangyayari sa hudikatura. Palagay niya, politikal ang motibo ng kaso laban kay Chief Justice Sereno, ngunit hindi raw niya matukoy kung sinu-sino ang nasa likod nito. Tantiya niya, magiging mahaba ang pagdinig sa impeachment dahil maaaring ipatawag muli ang mga saksi. "Much time will be devoted to the trial." Nang tanungin ni Mareng Winnie si Davide kung maaaring galit ang iba pang hukom kay Chief Justice Lourdes Sereno dahil sa na-bypass sila nang italaga ito, natawa ang dating punong mahistrado at nasabing, "You may be correct."

Pinag-usapan din ni Mareng Winnie at ni Davide ang isyu ng Pederalismo. Isa si Davide sa mga framer ng 1987 Constitution. Aniya, "Federalism will not work for the Philippines." Isa raw itong "lethal experiment." Maaari daw na mas lalo lang maghirap ang mga tao dahil madodoble ang buwis na ipapataw sa mga tao sa ilalim ng ganitong sistema. Magiging dahilan din daw ang pederalismo para mas lalong lumago ang political dynasties.

Ano ang mga aral ana mapupulot natin kay dating punong mahistrado Hilario Davide, Jr. ukol sa pagbabago sa estado, kalidad ng ating judicial system, at istruktura ng gobyerno? Alamin ang kabuuan ng panayam na ito sa "Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie" sa darating na Lunes 10:15 ng gabi sa GMA News TV.