ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kahalagahan ng 'Rule of Law,' tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'


BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE:
RULE OF LAW SA PILIPINAS, MAY SAYSAY PA BA?
MONDAY, 16 APRIL 2018
10:15 PM ON GMA NEWS TV

Kulelat ang Pilipinas sa ranking ng Rule of Law Index 2017. Mula sa 113 bansa sa buong mundo na kasama sa pag-aaral, ika-88 lamang ang Pilipinas sa pag-aaral ng World Justice Project. Ang World Justice Project ay isang organisasyon sa Amerika na nagsusulong ng maayos na pagpapatupad ng kapangyarihan ng batas sa buong mundo.

Isa sa itinuturong dahilan nang paglagpak ng Pilipinas ay ang hidwaan ng Executive at Judiciary na makikita umano sa impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Kamakailan lamang, lalong uminit ang sitwasyon nang iutos ni Pangulong Duterte na pabilisin na umano ang impeachment process at huwag nang pahabain ang "drama" sa kasong ito.

Nakapanayam ni Mareng Winnie ang Integrated Bar of the Philippines President na si Atty. Abdiel Fajardo ukol sa "rule of law" o ang pagsunod sa alituntunin ng batas at tamang proseso.

Ayon kay Atty. Fajardo, base sa pag-aaral ng IBP sa kaso ni CJ Sereno, hindi raw dapat ito minamadali maliban na lamang kung gumawa ng tinatawag na “high crimes” ang akusado. Sang-ayon din siya na kung dapat talagang alisin si CJ Sereno, dapat ay idaan ito sa impeachment, ayon sa nasasaad sa Saligang Batas. "Tagilid ata ang quo warranto... may mali po ata doon," ani Fajardo.

Mananaig pa rin ba ang rule of law sa Pilipinas kung mismong ang Pangulo ang kalaban ng Punong Mahistrado? Pag-aralan natin kung ano nga ba ang Rule of Law at kung may saysay pa ba ito sa ating bansa kasama ang presidente ng Integrated Bar of the Philippines Atty. Abdiel Fajardo ngayong Lunes sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 10:15PM sa GMA News TV.

Tags: plug