Pagpili sa susunod na Chief Justice, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'
PAGPILI NG SUSUNOD NA PUNONG HUKOM
LUNES, 27 AUGUST 2018
10:15 PM SA GMA NEWS TV
Pasok sa Judicial and Bar Council shortlist para sa posisyon ng Chief Justice sina Senior Associate Justices Teresita De Castro, Diosdado Peralta at Lucas Bersamin. Subalit ang tatlo, may kasong impeachment na kakaharapin sa Kongreso kasama ang iba pang mahistrado na bumotong pabor sa pagpapatalsik sa dating Punong Mahistrado na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa panahong pinuputakti ng kontrobersiya ang Korte Suprema, ano na ang kahihinatnan ng ating justice system? Ano nga ba ang mga kwalipikasyon ng mga kandidato para sa posisyon ng Punong Mahistrado? Yan ang inalam ni Mareng Winnie kay Integrated Bar of the Philippines President Abdiel Fajardo at Albay 1st district Rep. Edcel Lagman.
"The function of the JBC will be tested now," ani Fajardo. Dahil sa kanilang desisyon sa kaso ni Sereno, tila may bahid na umano ang tatlong kandidato, ayon kay Lagman. Isyu umano ito ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust sa mga mahistradong hindi sumipot noon sa mga hearings Dagdag ni Fajardo, nakapailalim sa konstitusyon at malinaw na paglabag ito dahil ang Chief Justice ay maaari lamang mapatalsik sa pamamaraan ng impeachment at hindi ng quo warranto.

"Kapag nawala ang rule of law, mahirap nang ibalik pa," ani Fajardo. Malaking pangamba umano ng Integrated Bar of the Philippines ang pagkakabuwag nito sakaling magtuloy -tuloy ang ganitong sistema. Kumpyansa si Lagman na madidiskwalipika ang tatlong mahistradong pasok sa short list. Kapag nangyari ito, maaaring buksan muli ang nominasyon sa pagka-Punong Mahistrado.
Sa pagpalit ng bagong Punong Mahistrado, mapananatili pa rin kaya ang pagkakapantay pantay ng tatlong sangay ng gobyerno? Mapananatili pa rin kaya ang kalayaan ng Korte Suprema? Sa pagkakataong matuloy ang sistemang pederalismo, ano ang magiging mukha ng Korte Suprema? Alamin ang buong panayam na ito sa Lunes, August 27, 10:15 ng gabi sa GMA News TV.