ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Usapang babaero sa 'Best Men'


BEST MEN PRESENTS  LOLOT Airing date: February 20, 2012 Matulis. Namamangka sa dalawa o tatlong ilog. Playboy. Ilan lang iyan sa mga tawag sa isang lalaking "babaero". May mga lumabas na pag-aaral sa siyensya na ang mga lalaki o ang "male species" ay "polygamous in nature" pero ibig sabihin ba nito ay katanggap-tanggap na ang pambababae ng isang lalaki?                  Tulad na lang ni Lolot, kahit may asawa't apat na anak na, tuloy pa rin ang pagdayo sa lugar na tinatawag nilang "patay sindi" o iyung mga girly bar! At hindi lang iyan, nagkakaroon pa umano siya ng iba't ibang girlfriend na itinatago niya sa kanyang asawa. Ang pinakamalupit dito, matagal nang walang trabaho si Lolot! Kaya naman ganun na lang ang pagkasuklam sa kanya ng kanyang pamilya! Minsan na ngang nauwi sa habulan ng kutsilyo ang away nilang mag-asawa nang dahil sa kanyang pambababae at pagiging iresposableng ama! Kung patuloy ang mga maling gawaing ito ni Lolot, hindi malayong humantong sa mas maraming away pa ang kanilang pagsasama o kaya ay umabot ito sa paghihiwalay. Paano na lang ang kanilang pamilya?                  Kaya naman oras na para ituwid ang Adan na ito! Muli na namang kikilos ang Best Men para iligtas hindi lang si Lolot kung hindi pati na rin ang kanyang pamilya na handa pa ring sumuporta sa kanilang haligi ng tahanan! Makumbinsi kaya ng Best Men si Lolot na iwaksi na ang bisyo ng pambabae, at ituwid na ang kanyang landas para sa kanyang pamilya?                  Isang makabuluhan at espesyal na kwento ng buhay ang inyong matutunghayan ngayong darating na Lunes, 10:30 ng gabi sa numero unong news channel sa bansa: GMA News TV Channel 11!
Tags: plug