To Brief Or Not To Brief?
BEST MEN PRESENTS: To Brief Or Not To Brief?
August 27, 2012 10:30PM, GNTV 11
Ang tanong ng Best Men ngayong darating na Setyembre sa mga kalalakihan – to brief or not to brief? Totoo bang nagiging dahilan ng luslos ang hindi pagbi-brief ng isang lalaki?
Nakilala namin si Arjay Navarro, isang modelo at aspiring actor na ume-extra sa mga advertisement at pelikula. Isa siya mga mailan-ilang mga lalaki na hindi gusto o hindi nasanay sa pagsuot ng brief. Mula pa raw nung elementary siya, hindi na niya nagustuhan ang pakiramdam kapag siya nakasuot ng brief. Nagdudulot din raw ito ng rash sa kanyang singit at ari, kaya naman simula noon hindi na siya muling nagsuot ng brief. Ayon sa kanya hindi raw ito nakakaapekto sa mga ginagawa niyang activities, mula sa trabaho, pakikipag-date at maging sa sports hindi niya kinailangang ang tulong ng brief.
Bukod kay Arjay, nakilala rin namin si Ten Ten Bautista, na ang mas gusto namang sinusuot bilang underwear ay panty. Mula high school pa raw ay panty na ang kanyang sinusuot, hanggang siya’y magka-asawa hindi na ito nabago. Katunayan nga, kasundong-kasundo niya ang kanyang asawa pagdating sa pagpili ng panty na isusuot. Ayon kay Ten Ten, mas kumportable raw ang pagsuot ng panty dahil mas manipis ang tela nito at mas malamig kumpara sa brief. At hindi raw ito nakakabawas sa kanyang pagkalalaki, kaya proud na proud siya sa nakagawian niyang ito!
Ang mga hosts ng Best Men na sina RJ, Jace at Jun V ay sasabak sa isang experiment kung saan susubok sila ng iba’t ibang activites nang walang suot na brief! Maiilang kaya sila? O mas magiging maganda pa ang kanilang pakiramdam at performance sa bawat activity na kanilang sasabakin?
Sasagutin rin ng Best Men ang mga kasagutan tungkol sa ikinakabit na sakit na luslos sa mga lalaking hindi raw nagsusuot ng brief. May katotohanan kaya ito? At alamin rin kung saan nagsimula ang pagsusuot ng mga Pinoy ng underwear na brief!
Isa na namang mainit na balitaktakan at siksik sa impormasyong episode ang hatid ng Best Men ngayong Lunes, 1030pm, sa GMA News TV channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men Day!