ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Super cars, Daiana Menezes, Joel Torre, at Mr. Shopaholic sa Best Men
SUPER CARS, DAIANA MENEZES, JOEL TORRE, AT MR. SHOPAHOLIC SA BEST MEN BEST MEN
Airing date: February 4, 2013
"Hari ng kalsada" at "basta't driver, sweet lover," 'yan ang tatak ng mga jeepney driver! Kaka-ibang pagkakataon ang ibibigay ng Best Men sa isang natatanging tsuper ng jeep! Mula pagkabata ay mahilig na raw si Mang Wilfredo sa mga laruang sasakyan o scale models ng mga sports car pero sa Best Men, totoong sports car ang ipapamaneho namin sa kanya! At tulad sa mga motor show, kapag may sports car, siguradong may ka-partner itong super hot babe - killer combination ika nga! Imported ang mga sasakyang ite-test drive nina RJ and Jun V kaya dapat imported din ang makakasamang guest host! Sino kaya ang mas sexy, ang Ferrari at Jaguar o ang Brazilian Model na si Daiana Menezes? Isang batikang aktor rin at ehemplo ng pagiging isang tunay na Best Men ang ating makakabonding! Iku-kwento ni Mr. Joel Torre ang kanyang passion sa acting! At syempre, ipapakita niya sa atin ang kanyang legendary skills bilang isang dramatic actor! Pero bukod sa kanyang galing sa pag-arte, ibabahagi rin niya ang kanyang secret recipe sa paggawa ng chicken inasal na talaga namang pinasikat ng kanyang restaurant na JT's. Hindi rin kami magpapahuli pagdating sa fashion tips dahil ngayong Lunes, tuturuan natin ang mga kalalakihan na mag-mix and match ng kanilang mga lumang damit! Hindi na kelangan ng bagong set ng wardrobe ngayong 2013, tutok na para sa inyong kakaibang japorms! Makikilala rin natin ang isang self-confessed male shopaholic! Kung akala ninyo ay babae lang ang may ganitong problema, aba, nagkakamali kayo! Dahil ang ibang mga macho, mahilig din sa shopping at tila naging bisyo na ito! Basta't may kakaibang happening laging "Imbi-Tado" ang ating guest host na si Tado! Muli siyang nakigulo sa isa na namang bonggang event ng isang pamosong magazine, ang 150th issue party ng FHM Magazine na ginanap sa Pasay City! Abangan ang kanyang makulit na pag ambush interview sa mga naging cover babes ng sikat na magazine! Nakakapaso sa init at nakakalula sa dami ng bitbit na impormasyon at saya ng Best Men ngayong Lunes, 10:30 PM, sa GMA News TV channel 11! The best ang Monday, dahil ito ay Best Men Day! More Videos
Most Popular