ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Best Men: Hangover remedies and myths


Hangover remedies and myths



Kapag may okasyon at get together ng mga barkada, madalas todo-todo tayo kung lumaklak ng alak na parang wala ng bukas. Pero ang isang gabing kasiyahan ay susundan ng matinding pagdurusa na tinatawag nilang “hangover!”

Alam naman na ng halos lahat ng mga manginginom ang kahihinatnan ng matinding pag-inom pero tuloy pa rin sila sa paglaklak ng sobra-sobra. Sabi nga nila “party harder fall harder!"

Nalulunasan naman daw ito. Bawat tao may kanya-kanyang teorya sa pagsugpo at paggamot sa “hangover” tulad ng tinatawag nilang “sundot” o pag-inom ulit ng konting alak para mawala ang sakit ng ulo. Pero ano nga kaya ang tunay na lunas sa “hangover?” Samahan natin si Jun V para alamin sa mga eksperto ang iba’t ibang solusyon sa matinding hangover at makikilala rin ang isang manginginom na matindi kung singilin sa kanyang pag-inom ng alak!

Kumusta na kaya ang mga dating sexy stars?



Balik-tanaw naman tayo sa nakaraan! Bold star noon… nasaan na sila ngayon? Noong 80s o dekada otsenta, pumalaot sa mundo ng pelikula ang mga hubad na bituin. Iilan lang sa kanila ang tumagal at karamihan ay naging malungkot ang pagwawakas ng buhay. Tulad na lang nina Pepsi Paloma, Stella Strada, at Claudia Zobel na natapos ang buhay sa iba’t ibang malagim na trahedya.

Ang iba naligaw naman ng landas o tuluyan ng nawalan ng career. Pero may ilan sa kanila na matagumpay na nalamapasan ang transisyon mula sa paghuhubad papunta sa isang disenteng career at patuloy ang pagningning sa industriya.

Isa na diyan ang beauty queen turned bold star noon na si Maria Isabel Lopez! Ilalahad niya sa atin ang makulay niyang kwento at kung paano niya nalampasan ang mga pagsubok ng isang bold star noong dekada otsenta! At nung 90s naman, nauso ang mga “titillating films” at ang mga hunks noon tulad nila Dante Balboa at Gardo Versoza, kamusta na kaya ngayon?

Alamin sa Lunes, July 29, 10:30 ng gabi, sa GMA News TV Channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men Day!
Tags: plug