ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Lipad tayo, mga best men!


Nasubukan mo na bang lumipad? Meron ka bang fear of heights?! Ngayong Lunes, kikilalanin natin ang mga lalaking ang trabaho ay lumipad!
Ang Best Men host na si Jun Veneracion makakasama ang seksing-seksi na si Bettina Carlos para sa isang nakalululang “paragliding” experience! Ang paragliding daw ang tinatawag nilang “closest thing to flying” dahil hindi ito gumagamit ng kahit anong makina para makalipad! Kung dati sa Saranggani Province lang ito maaaring gawin sa Pilipinas, ngayon may mga nagsusulputan na ring ilang lugar kung saan maaaring maisagawa ang pagpapalipad ng paraglide gaya ng Flysite sa Carmona, Cavite.




At bukod diyan, susubukan rin nila ang tinatawag nilang Power Kiting! Tuturuan din si Jun at si Bettina kung paano alamin ang direksyon ng hangin at paano ito kontrolin para makapagpalipad ng mga power kites! Kayanin kaya nila ang lula factor ng activity na ito?
Samantala ang Best Men host na si RJ Ledesma kasama ang hot na hot na sexy magazine cover babe at Kapuso star na si Ryza Cenon sa ibabaw ng tubig naman lilipad! Ang parang superhero na paglipad sa ibabaw ng tubig ay tinatawag nilang flyboarding! Kaya nitong umangat hanggang sa taas na 20 feet sa ibabaw ng tubig! Magawa kaya nila RJ at Ryza ang mag ala-iron man na lipad?
Tara lipad tayo mga Best Men sa isang nakalululang episode Ngayong Lunes, Disyembre 9, 10:30pm, sa GMA News TV channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men day!
Tags: prstory
More Videos
Most Popular