ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Makisabay sa 'Biyahe ni Drew' ngayong Pebrero 1



BIYAHE NI DREW
February 1, 2013
Biyernes, 10 pm sa GMA News TV
 
Ilang beses na rin siyang nag-“BalikBayan” kasama ng iba’t ibang celebrity sa kanilang probinsiya o lungsod na kinalakihan. Kasama natin siyang nag-Weekend Getaway kasama ng masusuwerteng weekend warriors. Pero ngayong 2013, lahat tayo, tuturuan niyang huwag maging dayuhan sa sariling bayan. Base sa mga naging karanasan ni Drew sa pitong taong pagbibiyahe linggo-linggo, matututunan natin ang mga sikreto para magkaroon ng isang sulit na bakasyon. Kaunting budget at dalawang araw lang ang kailangan, matutugunan mo na ang kati ng iyong talampakan.
 
Makisabay na sa “Biyahe ni Drew.”
 
Para sa kanyang kauna-unahang Biyahe, ipakikita ni Drew kung ano nga ba ang tipo niyang bakasyon – yung may nature-tripping, may magagandang tanawin, sariwang seafood at higit sa lahat, yung puwedeng mag-relax-relax lang. Sa kanyang pagre-research, nadiskubre ni Drew na sa dinami-rami ng napuntahan niya sa Pilipinas, may ilang lugar pala na hindi pa niya nararating at isa na rito ang Bislig, Surigao del Sur.
 


Pinakakilalang puntahan sa Hinatuan ang Enchanted River, isang blue lagoon na nasa gitna ng mga kabundukan at kagubatan. Parang isang nakatagong paraiso, ang tubig ng ilog ay may pinaghalong tubig tabang at tubig alat na mula sa Dagat Pasipiko.
 
Sa Bislig rin matatagpuan ang tinaguriang Niagara Falls ng Pilipinas, ang Tinuy-an Falls na siyang pinakamalapad na waterfall sa Pilipinas. Thirty minute habal-habal ride lang mula sa town proper at 30 minute hike, mararating na ang talon na ito. Sa halagang P8.00 na entrance fee, sulit na sulit ang biyahe.
 
Para sa isang bird’s eye view ng Bislig, nirerekomendang bumista sa Ocean View Park – isang restaurant na mararating lamang kung aakyatin ang “stairway to heaven” papunta rito.
Sa tuktok rin ng Ocean View Park matatagpuan ang International Doll House. Bagay na bagay ito sa mga pamilyang may kasamang mga bata. Ang mahigit 500 na manika ay koleksyion ni Mrs. Ruelaine Willimann.Naipon niya ang mga ito sa kanilang pagbibiyahe sa iba’t ibang bansa.
 
Murang mura lang ang pagkain sa Bislig! Susubukan ni Drew ang mga lutong-bahay specialties na nasa halagang 35-100 pesos lang per meal. Dahil nasa tabing dagat, ang Bislig ay sagana sa mga seafood tulad ng mud crabs, lobster, iba’t-ibang isda at pusit na mabibili malapit sa Enchanted River at puwede ring dito mismo ipaluto ang mga seafood specialty na ito. Sa Sheila's Place sa Mangagoy, Bislig, matitikman din ang “Mutya ng Bislig,” ang version nila ng clam chowder.  
 
Ang ultimate budget travel adventure na ito, mapapanood na sa Biyernes, 10pm sa GMA News TV.