ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Childhood memories ni Drew Arellano sa Tagaytay, tampok sa 'Biyahe ni Drew'


BIYAHE NI DREW: TAGAYTAY
BIYERNES, MAY 31, 10-11PM, GMA NEWS TV
 
Biyernes sa Biyahe ni Drew, hindi na lalayo pa ang ating beteranong biyahero dahil ang kaniyang destinasyon, isa’t kalahating oras lang mula Maynila. Ano pa kundi ang sinasabing second Summer Capital ng Luzon, ang Tagaytay!
 
Favorite weekend escape ng marami ang Tagaytay dahil sa malamig na klima nito.  Pero bukod diyan, may mga hindi pa pala  nakikita at nararanasan si Drew kahit madalas siyang nagpupunta rito.
 
First on Drew’s itinerary:  ang sikat na Bulalo Belt! Dahil malamig ang simoy ng hangin sa Tagaytay, perfect ang paghigop ng masarap na sabaw ng bulalo sa iba’t ibang restaurant dito.  For 300 pesos, tiyak may mahahanap ka na na pwedeng pagsaluhan ng 2-3 people! At kung medyo adventurous ka, pwede mong tikman ang Crispy Bulalo ng Merben Restaurant. Sa pagkain niya ng bulalo, nagbalik din kay Drew ang masasayang alaala tungkol sa mga biyahe nila sa Tagaytay kasama ng kanyang yumaong ama na si Atty. Tony Arellano. May espesyal na paraan daw kasi ng pagkain ng bulalo ang kanyang ama.
 
Pero bukod sa bulalo, meron pang ibang good eats sa Tagaytay.  Isa na riyan ang sister company ng  Barrio Fiesta, ang Pamana Restaurant. Dito, sasampolan ni Drew ang Tinuktok o version nila ng pinangat, pati na ang kakaibang Pinoy Fondue.
 
Sa Puzzle Mansion naman, matitikman ni Drew ang kaisa-isang item sa kanilang menu – ang to-die-for na coconut cream pie.
 
Bukod sa mga karaniwang destinasyon ng mga turista tulad ng Tagaytay Picnic Grove, meron ding mga bagong atraksiyon na sumisikat ngayon. Pupuntahan ni Drew ang Sky Ranch, isang 5-hectare property kung saan matatagpuan ang Sky Fun Amusement Park. At ang star ng nito?  Ang Sky Eye! At 64 meters tall and with 32 gondolas, ito na ang pinakamalaking ferris wheel sa buong Pilipinas!

Dahil katabi lang ng Tagaytay City ang Batangas, siyempre dadaanan ni Drew ang Anilao for a bit of scuba diving! For 1,800 pesos per person,   meron na siyang day tour package sa Eagle Point Resort consisting of meals and the use of the resort’s many amenities. As for diving, kailangan lang magdagdag ng 3,000 pesos para makita ang mayamang marine life ng Anilao.
 
Para kay Drew, hindi niya kailanman pagsasawaan ang Tagaytay.
 
“Alam niyo yung nakakatuwa because this is one of my favorite places in the whole world kasi nga malapit sa Manila. And… I thought na nasubukan ko na ang mga bago dito.  I guess not. Yun ang sabi sa akin palagi ni Iya, you're always wrong!  Now, she's right. She's right (and) I'm wrong.”
 
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug