ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

The 'Biyahe ni Drew' Road Trip Series: Pangasinan



BIYAHE NI DREW: PANGASINAN

BIYERNES, JUNE 7, 10-11PM ON GMA NEWS TV
 
Kakasya kaya ang 5,000 pesos sa isang weekend adventure papuntang Pangasinan?  Alamin ‘yan sa Biyernes sa Biyahe ni Drew kasama ang Primera Biyeherang si Luane Dy!
 
Madaling mapuntahan ang Pangasinan via provincial buses pero kung may budget naman, mas mainam magdala o magrenta ng sariling sasakyan para mas kumportable ang 4-5 hour ride. Sa road trip ni Luane, papasyalan niya ang ilang sikat na munisipyo sa Pangasinan. 


Ang first stop niya, ang bayan ng Balungao. Sa Balungao Adventure Park, hindi n’yo kailangang gumastos nang malaki para mag-enjoy. For 50 pesos para sa mga matatanda, at 25 pesos para sa mga tsikiting, pwede na kayong mag-swimming. Meron ding zipline at ATV ride para sa mga mahilig sa adventure.   

 
Sa bayan ng Villasis naman, sisilipin ni Luane ang bagsakan ng gulay. Dito, makikita ang sari-saring gulay at prutas na bagsak din ang presyo. Masasampolan din ni Luane ang Tupig, ang kakaiba at sikat na kakanin sa Pangasinan na iniihaw sa ibabaw ng baga! For 5 pesos apiece, pwede na itong pang-merienda at pampasalubong.
 
Sa Manaoag,  siyempre, hindi raw dapat mawala sa itinerary ang pagpunta sa Our Lady of the Rosary Church o mas kilala sa tawag na Manaoag Church! Milagroso raw ang Our Lady of the Rosary kaya talagang dinarayo ito. Sa Dagupan City naman, isang river cruise sa Dawel River ang sasakyan ni Luane kung saan makikita niya ang isang perfect sunset! Sasampolan din niya sa gabi ang pigar-pigar, isang  paraan ng pagluluto ng street food sa Dagupan City. For 80 pesos per dish, good for sharing na ito… perfect para sa bonding ng pamilya o barkada.


At siyempre, hindi raw dapat umalis ng Pangasinan nang hindi nabibisita ang premier tourist destination nito:  ang Hundred Islands sa Lingayen, at  ang bayan ng Bolinao. Parehong ipinagmamalaki ng probinsiya ang mga beach destinations na ito. Bukod kasi sa ganda ng lugar, sulit na sulit din ang biyahe ninyo sa sarap at mura ng fresh seafoods!


Para kay Luane, isang pambihirang pagkakataon ang makabisita sa Pangasinan.
 
“’Yung buong Pangasinan pwede ‘to  pag kasama buong pamilya mo, mga mahal mo sa buhay! Kahit sino pwede mong isama. Bawat miyembro may spot na para sa inyo… You know, make the most of it! Para sa akin worth it yung byahe! Tsaka minsan na lang natin mae-experience ang ganitong buhay— buhay probinsya.”
Tags: plug