ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tahimik na bakasyon, nahanap ng 'Biyahe ni Drew' sa Siquijor



Biyahe ni Drew: Siquijor
Biyernes, July 12, 10-11pm, GMA News TV


Sa kabila ng pagiging lakwatsero ni Drew Arellano, meron pa palang mga lugar na hindi pa niya napupuntahan! Sa Biyernes, samahan ang beteranong biyahero sa kaniyang first time biyahe sa isla ng Siquijor!
 
Unang nabighani ang mga dayuhang Kastila sa Siquijor dahil daw sa nagliliwanag ito tuwing gabi. Dahil pala ito sa napakaraming alitaptap na makikita sa isla.  Ngayon, ikatlo ito sa pinakamaliit na island province sa bansa, sunod lamang sa Batanes at Camiguin.

Maliit man, hindi naman mauubusan ng mga puwedeng gawin dito. Ang mga resort hotels, marami rin. Isa na riyan ang Coco Grove na kahit 25 years nang nakatayo ay parang bagung-bago pa. Meron ding iba’t ibang water activities na pwedeng gawin dito tulad ng kayaking, snorkeling at sailing.
 

Kung mas gusto mo namang mamasyal, pwede kang umarkila ng motorsiklo for 300 pesos para sa isang buong araw. Sabi nila, malilibot mo na ang isla in less than 3 hours! Pwede mo ring daanan ang Capilay Spring Park, isang spring resort kung saan galing pa sa isang bukal ang tubig. Sa Salagdoong Beach naman, for an entrance fee of 20 pesos, pwedeng-pwede mo nang ma-enjoy ang napakalinis na beach.   Pero bukod sa sightseeing at swimming, titikman din ni Drew ang bukayo, ang sikat na tinapay ng Siquijor.  Sa sobrang sarap daw nito, dinarayo pa ito ng mga turista para bilhin bilang pasalubong sa mga kamag-anak nila.
 
At dahil hari ng budget travel si Drew, nahanap na yata niya ang pinakamurang meal-to-go sa buong Pilipinas… ang pastel. Para itong puso ng Cebu, pero di hamak na mas mura. For a measly 5 pesos, meron  na itong nakakabusog na kanin at ulam. Pasok sa budget!
 
Kung nightlife naman ang hanap mo, hindi ka rin mabibigo. Pero dahil maliit lang ang Siquijor, ang nag-iisang resto bar slash disco ng isla na Cesar’s, tuwing Biyernes ng gabi lang nagbubukas.
 
“May mga lugar na I read up on… tourist destinations… Itong Siquijor, wala akong alam. A whole new world. Parang isang maliit na town. Wala masyadong kotse, motorsiklo.  Mga tao lahat magkakakilala. Tahimik. Konting turista. Astig lang. Quiet lang.”
 
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug