ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' goes to Bacolod this Friday



Biyahe ni Drew: Bacolod
Biyernes, July 19, 10-11pm on GMA News TV
 
Kainan, Kasaysayan at Kalikasan.  ‘Yan ang 3Ks na haharapin ni Biyaherong Drew Arellano ngayong Biyernes sa Biyahe ni Drew sa City of Smiles, Bacolod City!

Tinagurian ding Sugarbowl of the Philippines  ang Bacolod dahil dito unang namayagpag ang industriya ng asukal noong panahon pa man ng mga Kastila.  Ngayon, isa na ito sa pinakapaboritong destinasyon ng mga turista, lalo na tuwing sasapit ang Masskara Festival sa buwan ng Oktubre.
 
Pero kahit off-season ang pagpasyal ni Drew sa Bacolod, hindi raw siya mauubusan ng “reasons to smile!”
 
 
Pag-landing pa lang, KAINAN agad! Sa Old Pala-Pala Market didiretso  ang ating Biyahero. Mala-Dampa ang istilo rito kung saan bibilhin mo sa palengke ang gusto mong ulamin at ipaluluto ito sa restaurant na napili mo. Mura at masarap kaya highly recommended ni Drew.  Kung ayaw n’yo namang mamalengke, maraming mapagpipiliang seafood restaurants sa Brgy. Balaring sa Silay City.  Talaba, pusit, hipon at sari-saring isda ang nasa menu.  For 200 pesos per person, tiyak mabubundat ka na! Siyempre, hindi rin mawawala sa listahan ni Drew  ang ipinagmamalaki ng mga taga-Bacolod na Chicken Inasal.

At bilang panghimagas, titikman niya ang Guapple Pie ng El Ideal, ang pinakamatandang panaderya sa Silay.
 

Kapag KASAYSAYAN naman ang pinag-usapan, punong-puno niyan sa City of Smiles. Bibisitahin ni Drew ang isa sa dalawang siyudad sa Pilipinas na idineklarang Museum City… ang Silay.  Binansagan din itong cultural at intellectual hub dahil na rin sa 30 heritage houses na nakatayo sa maliit na siyudad hanggang ngayon.  Tampok sa heritage tour ni Drew ang Balay Negrense na naging set sa pelikulang Oro, Plata, Mata. Papasukin din niya ang Bernardoni-Jalandoni House Museum o  mas kilala sa tawag na Pink House, ang unang museum and heritage house na kinilala ng National Historical Institute. Sa Hofilena Museum naman, sisilipin ni Drew ang iba’t ibang koleksiyon ng manika, libro at mga natatanging artwork ng mga Filipino national artist.


Bago lumipad pabalik ng Maynila, nanamnamin muna ni Drew ang KALIKASAN, lalo na sa labas ng Metro Bacolod. Sa Murcia, papasyalan niya ang Mambukal Mountain Resort na 1200 feet above sea level ang taas! Perfect for sightseeing. Dito rin makikita ang 7 Waterfalls.  Sa Balaring Mangrove Canopy sa Talisay City, lalakarin naman niya ang kahabaan ng malago at masiglang mangrove forest.  At sa Campuestohan Highlands Resort naman,  kikiligin siya sa mala-Tagaytay weather na umaabot sa 10-17 degrees celsius.
 
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug