ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' samples the best of Bulacan



Biyahe ni Drew: Bulacan
Biyernes, 30 August, 10 pm
GMA News TV


Biyernes sa Biyahe ni Drew,  samahan si Biyahero Drew sa isang probinsiyang hindi madalas mapasama sa mga backpacker itineraries pero bukambibig naman sa usaping family outings... ang Bulacan!


Ang probinsiya ng Bulacan ay madalas daanan ng mga turistang papuntang Baguio, Ilocos, Pampanga, Cagayan, at Pangasinan. Hindi na ito maiaalis sa kasaysayan ng bansa dahil isa ito sa mga naunang nag-aklas noong panahon ng Kastila. Kaya nga naging isa ito sa walong sinag ng araw na makikita sa bandila ng Pilipinas!
 
Sa kaniyang pagbisita sa makasaysayang probinsiya, pagkain, arkitektura, at lakwatsa ang aatupagin ng beteranong biyahero.

Unang papasyalan ni Drew ang mala-Vigan na Bustos kung saan makikita ang mga heritage houses na ipinagmamalaki ng Bulacan. Ang mga bahay na bato na ito raw ay nagpapakita ng tipikal na arkitektura noong panahon ng mga Kastila.  Sisilipin din niya ang isang bahay-ampunan na  kumuha ng disenyo sa mga bahay ng mga Ivatan sa Batanes.  Walang ginamit na pako sa paggawa ng mga bahay kaya kahanga-hanga ito. Ang last stop niya,  ang Bahay Resiklo na likha naman mula sa recycled materials! Kahit saan ka tumingin, halos lahat ng gamit ay recycled, re-used o repurposed.

Mahilig ang mga Bulakenyo sa exotic food tulad ng adobong sawa, kabayo,  at bayawak.  Dagdagan pa ito ng susong pilipi at hantik.  Bukod sa exotic food, sa Bulacan din daw matatagpuan ang isa sa pinakamasarap na crispy pata sa bansa. Pero kung gaano kahilig ang mga Bulakenyo sa iba’t ibang ulam, ganoon din sila ka-in love sa mga matatamis.  Kaya  paboritong pampasalubong ng mga turista mula sa Bulacan ang minasa at barquillios.

At dahil kilalang pasyalan ng mga pamilya ang  Bulacan dahil sa mga pool resorts nito, hindi palalampasin ni Drew ang pagkakataong mag-enjoy!  Sa Adventure Resort, may wall climbing, zipline at virtual tour around the world. At sa Malamig Resort, sikat naman ang kanilang wave pool na umiilaw pa sa gabi. Hi-tech!
 
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug