ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew' goes to Bohol

Biyahe ni Drew: Bohol
Biyernes, September 6
10pm, GMA News TV
Sa darating na dalawang Biyernes, back-to-back ang pag-arangkada ni Biyahero Drew sa Visayas… all for the love of Biyahe ni Drew! Una niyang papasyalan ang Bohol, bago siya sasakay ng ferry papuntang Cebu.
630 kilometers ang layo ng Bohol sa Maynila. Sa Tagbilaran City na kapital nito, magla-landing si Drew pero agad siyang didiretso sa integrated bus terminal para maghanap ng masasakyan para sa kaniyang countryside tour.

First on his list, ang Baclayon Church na ikalawa sa pinakalumang simbahan sa buong Pilipinas na sinimulang itayo noong 1595! Sunod sa listahan ng ating biyahero ang Loboc. For 100 pesos na entrance fee, mararanasan niya ang isang relaxing cruise sa gitna ng Loboc River habang nakikinig sa agos ng tubig at tunog ng gitara at banduria. Sa Tarsier Conservation Area naman sa Upper Bonbon, sisilipin niya ang mga cute na tarsier na pinakamaliit na primates sa buong mundo. At bago matapos ang countryside tour niya, siyempre pupuntahan niya ang world famous Chocolate Hills na idineklarang 3rd largest geological monument at kasama rin sa listahan ng UNESCO World Heritage Sites!


At dahil likas na mahilig mag-nature tripping ang beteranong biyahero, sisisirin niya ang isa sa kinikilalang best diving destinations sa buong mundo, ang Balicasag. Sa Danao Adventure Park naman, trekking at spellunking o cave exploration ang aatupagin niya. May bonus pang rock climbing at rapelling malapit sa kweba!


Matapos ang sightseeing at nature-tripping, kakaibang extreme adventures naman ang mararanasan ng ating bida. Sa Danao, sasakyan ni Drew ang Sky Ride na suspended 200 meters above ground. Susubukan din niya ang Sui-slide na kasing-taas din pero di hamak na mas mabilis. Pero para sa grand finale, magpapatihulog si Drew sa The Plunge na may 230 feet drop. Kayanin kaya ng ating biyahero ang extreme adventure na ito?
Para kay Drew, there’s no better time to go to Bohol than now.
“Sa mga taong hindi pa nakakapunta sa Bohol, it is a world class destination… Makikita mo yung mga 5-star resorts and hotels, nagsisitayuan dito, because the place is nice, of course! The beach is beautiful, sand..white, people… friendly, hospitable [and] loving.”
Sama na sa back-to-back Visayas Special ng Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug, biyahenidrew
More Videos
Most Popular