ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Yaman ng Brunei, tutuklasin sa 'Biyahe ni Drew'

Biyahe ni Drew: Brunei
Biyernes, 8 November 2013
10 pm sa GMA News TV
Unusual and unexpected… ‘Yan ang tema ng Biyahe ni Drew ngayong Biyernes as Drew Arellano goes to Brunei!
Binansagan ding “The Abode of Peace,” ang Negara Brunei Darussalam ay makikita sa timog-kanluran ng Pilipinas, sa isla ng Borneo. Isa ito sa pinakamaliit na non-island nation sa mundo pero isa rin sa pinakamayamang bansa sa timog-silangang Asya! Ito ay dahil na rin sa pagkakadiskubre ng Sulatanato sa malaking deposito ng langis sa kanilang lupain noong 1920s.
Sa pamamasyal ni Drew, makikita niya kung gaano katahimik at kapayapa ang buhay sa Brunei. May disiplina ang mga motorista. Mababa ang presyo ng mga produkto, lalo na ng gasolina. Mas mura pa nga ito kaysa sa tubig. Mababa rin ang umemployment rate. Kung registered citizen ka at wala kang trabaho, bibigyan ka ng trabaho ng gobyerno.

Mahirap tuloy isipin na simple ang pinagmulan ng bansang ito. Sa Kampong Ayer Water Village, babalikan ni Drew ang simpleng nakaraan ng mga taga-Brunei. Isang komunidad ang Water Village na binubuo ng humigi’t kumulang dalawampung libong residente. Dito, nag-umpisa bilang fishing village ang Brunei bago naging marangyang bansa. Makikita sa lugar ang payak pero kumportableng pamumuhay ng mga residente hanggang ngayon.

Samantala, pupuntahan ni Drew ang isa sa madalang bisitahin ng mga turista—ang Ulu Temburong National Park. Dito, sasakay si Drew sa isang bangka para sa isang river cruise. Aakyatin din niya ang 800 steps para marating ang canopy o tuktok ng gubat. To cap off his jungle trek, titikman niya ang kakaibang ulam na gawa sa manok at niluto sa loob ng kawayan.

Depende sa budget, hindi mauubusan na hotels at inns sa Brunei. Mula government-managed youth center hanggang sa 5-star accommodations, meron dito. Pero ang pinakamatindi… ang 6-star na Empire Hotel and Country Club na pag-aari mismo ng Sultan ng Brunei. Malulula si Drew sa presyo ng pinakamahal na kwarto rito. Sa tumataginting na 512, 000 pesos a night, tiyak matutulog kang mala-hari o reyna! Aba, ultimo trimmings o palamuti rito ay gawa sa totoong ginto!Ito at iba pang karangyaan ng Brunei, makikita sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug, biyahenidrew
More Videos
Most Popular