ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' conquers Ilocos



Biyahe ni Drew: Ilocandia

November 29 • Biyernes, 10pm sa GMA News TV!

Isang kakaibang roadtrip ang mararanasan ni Biyaherong Drew Arellano sa Biyernes as Biyahe ni Drew conquers Ilocos!
 
Ang pakay talaga ni Drew sa biyahe niya ay ang historic town of Vigan. Pero along the way, may mga madadaanan na siyang lugar na hindi dapat palampasin.
Tulad na lang sa Sta. Maria kung saan makikita ang wonder of nature na Pinsal Falls. Sa Narvacan naman,  aakyatin nya ang Stone Beach Grotto. At sa Santa, sasakay naman siya sa nakalululang zipline pababa ng Banaoang Bridge!

Pag dating sa Vigan,  papasyalan agad ng beterangong biyahero ang Calle Crisologo kung saan gising na gising pa ang mga tao kahit madilim na. Ang ‘Vigan’ ay galing sa salitang “biga-a” na isang uri ng halaman na kadalasan daw nakikita noon sa mga ilog dito. Dahil malapit sa dagat, ginawa itong daungan ng mga barko noong panahon ng Kastila kaya naging sentro ito ng kalakalan sa rehiyon. Tinatawag na heritage village ang Vigan dahil sa mga well-preserved nitong gusali at bahay. At dahil kahanga-hanga ang pagkaka-alaga sa lugar na ito, isinama ito sa listahan ng UNESCO World Heritage Sites noong 1999!

Siyempre, kapag sinabing Vigan, agad papasok sa isip natin ay food trip!  Kaya naman hindi magpapagil si Drew sa paglantak ng ilang Vigan classics tulad ng empanada,  Vigan longganisa at pinakbet.  Kakaiba rin ang sarap ng mga Ilocano fusion dishes tulad ng pizza na may longganisa, bagnet at dinuguan flavor. And for the ultimate Ilocano breakfast, titikman ng ating bida ang sinanglawan! Siyempre may cooking lessons pa para naman matutunan niya ang pagluto ng mga kakaibang Ilokano dishes tulad ng puki-puki at dinengdeng na may kabatiti.

To complete his Ilocos trip, iinumin niya ang sikat na alak ng mga Ilokano na naging dahilan ng isang rebolusyon, ang basi. Babaybayin din niya ang pamosong La Paz Sand Dunes ng Ilocos sakay ng isang 4 x 4 jeep, at magpapadausdos sa pinong buhangin sa pamamagitan ng sand-boarding.
 
Para kay Drew, kahit nakakapagod, worth it ang matagal na road trip papuntang Ilocos:

“Ang Ilocos para siyang isang malaking, amusement park. Merong pambata, merong nagbibigay sa ‘yo ng nakakatakot na feeling… hindi lang masarap ang pagkain, but andami pang pwedeng gawin, different aspects of it actually.”  Dagdag pa ni Drew, “Ang nakakatuwang isipin, ang Ilocos ay part of Luzon.  You can fly here by plane, but you can just drive, take a bus andito ka na.”
 
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.