ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew' goes to La Union
Isang laid-back at relaxing weekend ang mararanasan ni Biyahero Drew Arellano sa biyahe niya sa surfing haven ng Northern Luzon… ang La Union!

Sa bayan ng Pugo, dadaanan ni Drew ang Pugo Adventure Park. Dapat daw magbaon ng sapat na lakas ng katawan at tibay ng sikmura ang mga pupunta rito dahil mapapasabak sila sa buong araw ng adventure. Ilan lang sa mga pwedeng gawin dito ay ang pagsakay sa 6 x 6 ATV rides at ang pagpapatilapon sa giant swing na animo’y higanteng tirador.


Siyempre, hindi makukumpleto ang La Union trip kung walang surfing! Mula Oktubre hanggang Abril daw ang peak season dito kaya naman dumadagsa ang mga tao to ride the waves, ika nga. Ang biyahero natin, sasamantalahin na ang magandang panahon at magpapakasawa sa mga alon ng La Union. Bibisitahin din niya ang Occalong Falls sa bayan ng Luna, isang wonder of nature na makasaysayan din dahil ginamit itong taguan ng mga gerilya noong panahon ng Hapon. Sa bayan ng Pugo naman, hindi magpapatalo ang Tapuakan River na sinasabing isa sa pinakamalinis na inland body of water sa rehiyon.


La Union is also well-known for its cuisine. Kaya naman magpapakasawa si Drew sa local culinary favorites tulad ng Pulpog, ang La Union version ng inihaw. Bida rin ang mga kakanin dito tulad ng kakaibang bibingka at tupig na gawa sa bayan ng Luna. For dessert, titikman ni Drew ang sikat na Guapple bar ng bayan ng Bauang. At bilang pagtatapos, lalantakan niya ang iba’t ibang klase ng Halo-Halo de Iloko!
Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug, biyahenidrew
More Videos
Most Popular